Kabanata 7
Thank you
Bakit ano ba ang gusto mangyari ni Herold? Na open arms ko sya tatanggapin pagkatapos ng mga nalaman ko?
And what? He wants a friendship with me? Sino ang maloloko nya! Kahit sino, hindi na muli makikipag balikan sa taong once ka niloko! Kahit sabihing, pakikipag kaibigan lang.
I want to laugh so hard with that thought. Bitter na kung bitter, pero ayaw ko na makita pa sya muli. Yes, he's forgiven. No to any connection with him again.
Once is enough. And I don't give second chance.
Malapit na kami sa kabihasnan, natatanaw ko na ang nag sisitayugang gusali. Kahit kaunti ay nakahinga ako nang maluwag ng makalayo kami doon.
Sinandal ko ang ulo sa bintana at tinanaw ang labas. I want to leave, gusto ko lumayo. Pero saan naman ako pupunta diba kung yong ipon ko ay sapat lang para sa pag aaral ko.
I sighed then choose to closed my eyes for a little sleep. Lagi ko sinasabi sa sarili na lahat ng nangyayari sa buhay ay may mga rason. Ngayon nag iisip ako bakit ano ang rason nila bakit ako lagi iniiwan? I'm not enough for them? Hindi ba sapat ang isang Athena Mendez sa buhay nila?
"Hey." tikhim ng katabi ko.
Sinilip ko si Wayne sa inaantok kong mata. He handed me a medium coke float. Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na dumaan pala kami sa drive thru.
"Thanks." I murmured at tahimik na uminom ng coke float.
Ngayon ko na lang naisip na sumama pala ako kay Wayne. I glanced at him. He's busy driving and eating fries. Mukhang walang problema sa buhay. Bumaba ang tingin ko sa braso nya na puno ng..bagong tattoo? Wala ito last time ah.
Dahil malakas ang pakiramdam nito ay nilingon nya ako at ngumisi. I rolled my eyes. Here we go again!
"Stop drooling Athena. Kakatapos mo lang makita 'yong ex mo eh."
"I'm not! Tigil tigilan mo nga yang pagiging feeler mo."
"Oh bakit sinisilip-silip mo ako?"
Kunot nuo ko syang nilingon. Lumingon din sya. Grabe napaka hangin!
"I'm just checking your tattoo!" tinignan ko ang malaking tattoo nya sa braso. I'm sure it's still fresh. Ngumiwi ako. "Masakit?"
I told myself before that I'll get myself a minimalist tattoo. Ngunit sa nakikita ko ngayon, parang natatakot na ako.
Tumikhim sya "Yeah.."
I nodded while checking his tattoo. Gustong gusto ko talaga. Pero mas lalo ako natakot sa sinabi ni Wayne. I sighed. Minimalist lang naman, hindi naman siguro sobrang sakit? Unlike nito, malaki kasi.
Uminit ang pisngi ko ng mapagmasdan din ang matitigas na biceps niya. The trace of tattoo is on his hard biceps. Kahit hindi hawakan ay sigurado akong matigas iyon. Siguro todo mag papawis ito?
Ngumuso si Wayne saakin. Nag taka pa ako, ngunit ng tinaas nya ang palad nya sa gilid ng kanyang labi ay 'saka ko lang nakuha.
Agad na lumipad ang hampas ko sa braso nya! Damn! It's really hard!
"Aw!" he said but the playful smirk still plastered.
BINABASA MO ANG
Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)
General FictionGo find it but let me tell you this , if you were in my position. you still believe in love if that fucking love hurt you? -