Kabanata 16
Finally
Imbes na makapag focus ako sa pinapagawa saakin. Humihinto ako kapag nag babalik sa isipan ko ang nangyaring pag yaya saakin ni Wayne.
Bumuntong hininga ako. Focus, Athena. Focus. Kailangan mo muna matapos ito bago makipag date sa lalakeng iyon.
"Athena.."
"Ay, Wayne!" gulat na bulalas ko.
Tumayo ng tuwid si Engr. Sajul at tumikhim. May hawak itong folder sa kaliwang kamay.
"S-sorry po, Engr."
Tumango lang ito at inabot saakin ang folder na hawak. "Mr. Monterial need it asap. Dalhin mo sa office nya kapag natapos mo na 'yan."
Gusto ko sana umapela. Hindi namam siguro bulag si Engr. Sajul na may mga papers pa sa desk ko.
Ayaw ko mang isipin ngunit pinasadya 'yan ni Wayne!
So dahil no choice naman. Boss 'yong isa eh. Tinapos ko ang pinapagawa nya sa mga papers na nasa loob ng folder. Saktong alas tres, break time at ready ko ng ihahatid sa office ni Wayne.
"Saan ang tungo mo, Athena? Canteen?" tanong ng isang Engineer, pagkatayo ko.
"Ah hindi po. Sa office po ni Wayne— este Mr. Monterial."
"Ganon ba? Pero madadaanan mo naman 'yong canteen. Pasuyo nga at bilhan mo ako ng banana cue. Eto 'yong pera—"
"Matatagalan si Athena sa office ni Mr. Monterial kaya hindi nya mahaharap 'yan, Engineer Rivera." si Engr. Sajul iyon na biglang sumingit.
Ngumuso ang Engineer atsaka bumuntong hininga. Wala namang kaso saakin kung utusan ako sa ganong bagay.
Liningon ko si Engr. Sajul na tumango saakin. Yumuko na lang ako at tumalikod. Gusto ko man tanungin sya kung ano ang ibig nyang sabihin na matatagalan ako sa office nung boss nila.
Oo nila lang at hindi ako. Ano sya gold?
Umakyat na ako sa office ni Wayne. Tahimik at wala masyadong taong nagagawi sa floor na ito. Sa dulo ay nandoon ang secretary nya na agad ako namataan.
"Hello po, iiwan ko na lang itong folder. Galing kay Engr. Sajul." sabi ko sa Secretary
"Ok po ma'am, wait lang po at sasabihin ko lang kay Sir." mabait na ngumiti ang secretary atsaka may pinindot sa intercom sa gilid nya.
Mas ok na iwan ko ito. Atsaka iyon naman ang dapat diba? Hindi naman na need na ako ang magbibigay nito kay Wayne.
"Ay ma'am..."
Lumingon ako "Yes po?"
Ngumiti ito atsaka sinulyapan ang folder na nakalapag sa desk nya.
"Kayo raw po ang mag bigay ng folder kay Sir Wayne."
Huh?
"Huh?"
"Iyon po ang sabi niya."
Argh! Hindi ka ba makapag hintay na makita ako mamaya at gusto mo ngayong office hour?!
Pumikit ako at kinalma ang sarili. Kilala ko ang sarili. Nawawala ako kapag kausap at kaharap si Wayne.
Kinuha ko ang folder at ngumiti ng pilit sa Secretary. Bumuga muna ako hangin bago nag lakad palapit sa pintuan at binuksan ito.
I remember this. Ito 'yong office kung saan nya ako dinala before. Kung saan nag simula nag bago ang buhay ko. Dito iyon. Sa office na ito...
Huminga ako nang malalim bago pumasok.
BINABASA MO ANG
Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)
General FictionGo find it but let me tell you this , if you were in my position. you still believe in love if that fucking love hurt you? -