Simula

2.9K 90 35
                                    

Bakit ba sobrang bilis ng panahon? Parang kanina lang pasikat pa lang ang araw ngayon ay lumulubog na, at nag hihintay muli sa bagong kinabukasan.

Parang kanina mainit pa yong kape na iniinom ko, ngayon ay malamig na. Nahagip ng paningin ko ang diploma na nakadikit sa dingding. I sipped my coffee. Parang dati estudyante pa ako na nag hihirap tapusin ang kurso na kinuha ko, now isa na akong ganap na Engineer. At parang dati Vice President ako ng SSG sa Xander University at ngayon...


"Athena Mendez! Nakikinig ka ba sis?" sigaw ni Camille ang nag pabalik ng atensyon ko. Bumagay dito ang blonde na buhok na dati ay burgundy red.


"Oh anong gusto mong gawin ko?" binuklat ko ang magazine na nasa harap ko. Mas maganda pang mag basa nito kaysa makinig sa kaibigan ko na pabago bago ang desisyon sa kulay ng buhok nya. Naiisip ko kung healthy hair pa ba sya.


"Oh my God! Don't tell me bitter ka pa rin? After all kaibigan pa rin natin si Bianca, para saan pa ang pag kakaibigan nating tatlo kung hindi tayo dadalo sa kasal nya?" kulang na lang ay sabunutan na ako nito sa inis.


"First of all, hindi ako bitter. Pakasalan nya yong ex ko wala akong pakialam. Busy lang talaga ako bukas Camille." I said still skimming the magazine.


She laughed sarcastically "Talaga ba? Great! Pumunta ka bukas. Wear black dress sis. Gothic ang motif ang gusto ni Bianca, you know her naman may pag kaweird. Alis na ako. Bye!" nag beso muna sya saakin bago umalis.


Sumama ang tingin ko sa nakitang Article sa magazine. 'Wayne Monterial and Bianca Argente! Wedding of the year' Tinapon ko kaagad ang magazine na hawak sa lamesa at napahilamos ng mukha. What the heck Athena bakit naiinis ka? It's been 5 years dapat hindi ka na affected. At mukhang masaya naman na sya sa piling ng kaibigan mo.


Kaya nga mag papakasal eh


Be happy.


Sobrang bilis ng oras, parang kanina kausap pa lang ako ni Camille at kinukumbinsi akong dumalo sa kasal ni Bianca at.. nevermind. Surprise! Nasa tapat na ako ng simbahan nasa loob pa rin ako ng sasakyan ko, ayaw pa lumabas. Umalingawngaw ang tunog ng IPhone ko sa maliit na black bag sa gilid ko. I rolled my eyes, hinahanap na ako ni Camille. Huminga muna ako ng malalim saka lumabas.


Tiningala ko ang simbahan, hinawi ko ang bangs kona humarang sa mata ko dahil sa hangin. Ngumiti ako ng mapait saka taas nuo na nag lakad na papasok sa simbahan. Siguradong nag uumpisa na ang ceremony dahil sa bawat hakbang ko palapit ay naririnig ko na ang nag sasalitang pari. Nasa harap na nya siguro yong isang playboy at isang mang aagaw.


Ang pait mo Athena Mendez!


Pag kapasok ko ay agad ko napansin ang pag lingon sakin ng mga taong nasa loob. Nag tataka sa mga mata nila ng pasadahan nila ang suot ko. Napahinto din ako saka nag taka sa suot nila. Tinignan ko ang sarili sa salamin sa gilid sabay balik ng tingin sakanila. I thought its Gothic Style? Why they dressed like that... sobrang layo sa suot ko na all black at tanging red lipstick ko lang ang naiiba. Black Dress above the knee, naka bun ang buhok ko na sinuotan ko sa gilid ng little hat na may black net na medyo umaabot sa mata ko, black gloves and black mini bag. Lady in black!


What the heck Camille!


Agad ko sya nakita na kumakaway saakin. Nakangiti pa at nakasuot sya ng pang fairy dress katulad ng mga tao na nasa loob at nakatingin saakin! Mabilis na dumaloy ang init sa mukha ko, pumikit ako saka huminga ng malalim. Pupunta na nga lang ako mukha pa akong gate crasher! Dumagdag pa yong narinig ko.


"Sya ba yong ex ni Wayne? Bakit ganyan ang suot nya? Hindi pa rin ba sya maka-move on?"


"Wait.. Athena Mendez! Sya nga. Invited ba sya"


Mabait ako sa mabait, mukha nga akong anghel sa amo ng mukha ko. Mukha akong hindi makabasag pinggan pero kung may dapat basagin na mukha ay magagawa ko. Lalo na ngayong nasa harap ako ng maraming tao at sa harap pa ng kasal ng ex ko at ex friend ko. Kung alam ko lang hindi na ako pumunta pa!


"Mayroon bang tututol—"


"Sandali!!" sigaw ko na umalingawngaw sa buong simbahan, kung yong mga audience lang ang nakatingin sakin kanina, ngayon ramdam ko na pati yong nasa harapan ay nakatingin na din sakin.


Dumilat ako. Dumiretso ang tingin ko sa harapan. Matalim ang tingin ng groom saakin, parang anytime pwede ako masaksak ng tingin nya saakin. Ngumisi ako saka nag lakad taas nuo palapit sa harapan. Tahimik ang lahat na parang may anghel na dumaan. Ako yong anghel. Nahagip ko pa sa peripheral vision ko yong kaibigan ko na si Camille na mukhang supportive pa sa ginawa kong paninira.


Huminto ako sa harap nila. Gulat at nakaawang pa ang labi ni Bianca, pinasadahan ko sya ng tingin. Nice dress hah. Pero sorry ka hindi ka sasaya! Bumaling ako sa groom na kanina pa ako tinititigan ng masama. Sobrang dilim ng mukha nya. I raised a brow, hindi mo ba expected na dadalo ako?


"What the fuck are you doing Athena?!" may diin sa bulong nya. Galit na sya sobrang galit pa. Sabagay sino ang matutuwa na sirain ang pinakamahalagang kasal sa buhay nya?


Hindi na ako nag isip pa. Tumingkayad ako saka pinulupot ang kamay sa batok nya, mabilis na linapat ko ang labi ko sakanya. Naestatwa sya. Suminghap si Bianca at yong mga taong nasa harap namin. Sinasalubong ko ngayon ang sobrang lapit naming mga mata, diretso ko syang tinitigan.


"Saakin ka ikakasal Wayne Monterial! para ka lang kay Athena Mendez. Wala ng iba! Nakuha mo ba?"

Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon