Kabanata 3

935 39 5
                                    

Kabanata 3

Not choosy

Bakit may mga taong sinusuportahan pa ang pag tataksil? Sobrang laking ekis sa mga kaibigan na todo support sa tropa nilang may girlfriend na pero nagagawa pang mag-cheat. I just want ask, why? Alam nyong mali ngunit ginagawa nyong tama sa mata nyo?

Hindi ko alam ang mararamdaman na nasa harap ko 'yong dalawang kaibigan ni Herold. These jerks! Ang laki ngumisi. Sana dinggin ako na may makarma sakanila.

"Kilala mo pala sina James at Mark?" hampas sakin ni Cheska ng matapos ko ilapag ang tray.

"Oo." sagot ko, hindi sya tinitignan.

Pumasok ako sa kitchen atsaka inayos ang ilang gamit na nagulo kanina dahil sa biglaang dami ng orders. Pag katapos ay bumalik ako sa counter. Katulad ng kanina ay ganon pa rin ang posisyon ni Cheska, nakapameywang na tinitigan ako nang maigi.

Hindi ko sya pinansin.

"They're looking at you!" sabi nya pag katapos lumingon at bumalik saakin.

Tinignan ko rin ang sinasabi nya. At tama sya, nakasulyap sina James at Mark saakin habang may pinag uusapan. It's like they're talking about me.

"Teka lang.." naniningkit na mata nya sa dalawa hanggang sa nanlaki ang mata "Naalala ko na! Sila yong tropa ng boyfriend—este ex boyfriend mo diba?!"

Tumango ako atsaka sinamahan na rin syang nakasandal sa counter habang nakatingin sa mga estudyante ng Stan University.

"Bitter ka pa rin ba Athena? Matagal na yon ah! At base naman sa tingin ko kanina, mabait sila."

Muntik na ako matawa kaya umirap na lang ako. "Sobrang hina mo mangilatis ng tao Cheska."

She frowned "Huh? Mabait naman sila ah? Playboy sila pero mabait sila alam ko."

"Whatever." sabi ko sabay tinignan sya na nakakunot noo "Don't judge a person by it looks. Mapanlinlang ang pambalat ng tao Cheska."

Umalis ako sa pag kakasandal ng may lumapit sa counter. Grupo sila, cheerdancer ng Stan University.

"Blue Cheesecake and tea, Miss." ani nung blonde na babae.

Nag tipa ako sa screen ng order.

"Saakin milktea lang." singit ng isang babae, dinagdag ko naman sa order nila.

"350 pesos po ma'am."

Inabot ng blonde yong bill nya. Nang makita kong malutong na isang libo ito ay sinilip ko muna ang kaha.

"Ah ma'am wala po ba kayong smaller bill?" tanong ko. Nilingon ko naman si Cheska na umiling.

"What? Wala kayong pambarya sa 1 thousand ko?" mataray na nag yayabang na sabi nung blonde.

Mag tatanong ba ako kung meron?

I sighed and tried myself to smile "Wala po Ma'am eh, nabuo na kanina—"

"Then it's not my problem anymore! I'm a costumer, so dapat kayo ang mag adjust hindi ako diba?" medyo lumalakas na ang boses nya.

I bit my lip. Pinipigilan ko talaga na hindi sumagot sakanya. Mukhaan pa lang nya, alam kong matapobre! Mula sa buhok nyang blonde, sa lipstick nyang pink, pink bag, pink nail polish. Barbie na maarte!

"Ano? Wala kayong barya sa isang libo? How cheep hah!" sabat nung kasama nya na katulad nya.

Wala si Cheska sa tabi ko dahil nasa loob ito nag aayos. Nakakatawag na sila ng atensyon sa lakas at arte ng boses. Kita ko pang humina ang boses sa lamesa nina James at Mark. I'm sure, nakatingin na sila dito.

Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon