Kabanata 14

788 50 20
                                    

Kabanata 14

Mark

Katahimikan at kalamigan ang bumabalot ngayon sa loob ng kanyang Kia Seltos. Kung ano man ang mga narinig ko galing sakanya kanina ay wala akong balak na tanungin sya tungkol doon. I don't want to open it...at kung pwede at kalimutan na lamang.

Inaamin ko na iba si Wayne saakin. Iba ang nararamdaman ko kapag kasama ko sya. Totoo nga talaga ang katatagan na 'the more you hate, the more you...like?'

Wala akong alam kung bakit ganon ang inakto nya sa harapan ni Herold kanina. Maybe he's just concern. Humugot ako ng hangin. Gulong gulo na ako, pero ang sa tingin ko na mag papatahimik saakin ay ang kalimutan para hindi hayaang lumaki pa itong nararamdaman ko sakanya.

Sinilip ko sya. Matalim mata nyang tutok sa pag mamaneho. Para bang sobra ang galit nya. Umawang ang labi ko.

What's with that reaction, Wayne?

Napatalon ako ng nilingon nya ako. Nahuli nya ako! Inaabangan ko na ngumisi sya at asarin ako.

"Let me see your wrist." he said instead.

Tahimik kong sinunod sya. Hindi ko mabasa ang mukha nya ng maipakita ko ang pala-pulsuhan ko na nangitim sa higpit ng hawak ni Herold.

"O-ok lang ako. Mawawala rin ito, Wayne."

"No." agad nyang sabi atsaka mabilis na pinaandar ang sasakyan.

"S-saan tayo pupunta?" I bit my lip, nauutal ako.

"My Condo."

Lumaki ang mata kong nilingon sya. "Huh? Wag na...ahm ibaba mo na lang ako sa bahay..."

Pinilit ko na hindi ipahalata ang gulat pagkatapos nyang sinabi na sa Condo nya ako dadalhin. This is just a simple bruise. No big deal. Hindi na kailangan pang...

"Ano bang iniisip mo?" he asked

Medyo humupa ang talim sakanyang mata. Umangat ang gilid ng kanyang labi.

"Chill. We won't do something unless you beg for it..." malisyosong tono nya.

"Wayne!"

He chuckled sexily. Parang naging paru paru ang tenga ko sa tawa nya.

"Masakit pa rin?" marahan nyang tanong habang hinahaplos ang pasa ko.

Tumango ako. Kinagat ko ang labi habang pinapanood ang isang kamay nyang nakaabot sa aking kamay at hinahaplos iyon ng marahan.

Gusto ko maiyak sa saya. Iba ang saya na nararamdaman ko ngayon. Parang may kung anong confetti ang sumabog sa loob ko.

"Osige kung hindi ka komportable, doon na lang tayo kay Ariadne."

"Ariadne?" babae? babae nya?

Siguro nabasa nya sa mukha ko iyon at bahagya sya natawa. Umupo naman ako ng tuwid.

"Maganda 'yon, mabait tapos mahinhin pa!" parang sinadya pa nya na sabihin sakin.

Binawi ko ang kamay ko sakanya at humalukipkip. Tuwang tuwa naman sya sa itsura ko ngayon.

Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon