Kabanata 10

1.1K 46 9
                                    

Kabanata 10

PDA

Parang bumalik sa dati ang lahat. Magaan ang dibdib ko ngayong tinatahak ang gitna ng corridor. Good thing 'bout today. Hindi ako late. And that's a good news.

"Psst!" lumapit saakin si Meg habang ang mata ay nasa prof naming nag tuturo sa harapan.

"Alam mo na ba yong balita?" she asked, dumikit na rin saamin si Elisse.

"Anong balita?" tanong ko pabalik, sobrang hina.

Umusog pa si Meg saakin. Halos mapatalon kami ng hinampas ng prof yong lamesa. Itong prof namin ngayon ay kilala sa pagiging terror kaya ganito na lang kami mag-pay attention.

"Bwisit naman 'to! Hindi ko masabi nang maayos." bulong ni Meg.

"Nag papakahirap ka pa kasi. Ito na lang tignan mo Athena." abot ni Elisse sa phone nya sa baba.

Tinignan ko muna yong prof namin kung nakatingin bago ako nag baba ng tingin sa phone ni Elisse. Nasa facebook app iyon. And timeline ni Steph. Binasa ko yong nandon.

"Who's Emelia?" I asked.

"Yong co-cheerleader mo!"

"And?"

Napabuntong hininga sila atsaka may nilabas na picture. Kumunot ang nuo ko ng makita na ito yong tinarayan ko sa practice. Yong sinabihan ko ng cheap branded lipstick.

Umawang ang labi ko "Tinanggal sya ni Steph?"

Sabay silang tumango "Nakakagulat lang kasi matagal na yan sa grupo ni Steph. So may ginawa ba sya nung practice at natanggal sya?"

Ginawa? Wait. Wala naman syang ibang ginawa maliban sa sinabi nya saakin and pag katapos non, naging maayos naman ang practice.

"Wala naman. Baka nung after practice." I answered.

Nag kibit balikat na lamang ako. Hindi ko na dapat iniisip pa iyang mga yan. Ang mahalaga ngayon, ilang araw na ako hindi ginugulo ng grupo ni Steph.

Nang matapos ang klase nag paalam na ako kina Elisse at Meg. Dumiretso na ako sa coffee shop. Nakangiti ko kinawayan si Cheska na mukhang pagod na pagod sa pag t-take ng order.

"Sa wakas! Dumating ka na Athena. Dinagsa tayo kanina." sabay kuha ng pamunas.

"Good news yan!" I said and walk to the locker room. Pag katapos ko mag ayos ay bumalik ako sa harap.

"Yeah good news nga. Siguradong hindi na ito ipapasarado ni Mr. Uy kapag nalaman nya mamayang meeting." aniya

Tumango tango ako atsaka nag tungo sa counter dahil may dumating na costumer.

"Kamusta ka naman Athena? Mukhang may bago sayo." nginisian nya ako.

Inirapan ko sya bago ngumiti sa costumer. Tinapos ko muna mag take ng order bago sya hinarap.

"Nothing. Just usual. Bakit?"

"Okay! Siguro nag kabalikan kayo ni Herold no?"

"Herold? No. Hindi ko na nga sya nakakausap."

"Wee? Baka ayaw mo?"

"Look Cheska, wala na akong nararamdaman kay Herold." I said "...atsaka kontento ako sa kung anong meron ako ngayon."

Sumingkit ang kanyang mata saakin bago kinuha yong order. "Hmm. New boy?"

Inirapan ko lang sya at tinulak na papasok ng kitchen. Bumuga ako ng hangin at sumandal. New boy? No. Never again. Siguro nang matapos ang pag uusap namin nina Camille at Bianca, naliwanagan ako sa lahat ng problema ko. Napaka gaan sa damdamin.

Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon