Kabanata 1
Cheating
Mabilis ko pinahid ang mga luhang nahuhulog sa pisngi ko habang malalaki ang hakbang na nag lalakad sa gitna ng corridor. Lahat ng mga estudyante na nakakasalubong ako ay nakatingin sakin na puno ng simpatya.
Mapait ako napangiti. Bakit ngayon pa kayo naaawa kung kailan tapos na? Tapos na ako lokohin? Tapos na ako iputan sa ulo? Para saan pa ang awa?
Pathetic as always Athena.
Ilang beses pa ba ako lolokohin, iiwan at kaawaan? Mula sa na nag kaisip ako, 'yan na lang umiikot sa buhay ko. Wala na bang bago? Nakakatawa, bakit hindi na ako nagulat na lokohin at iwan ako ng taong unang minahal at pinag katiwalaan ko kung mismo magulang ko ay pinamigay ako?
I'm an orphan. Bata pa lang hindi ko na kilala kung sino magulang ko. Mga madre ang kumupkop, nag alaga, nag pakain saakin. Hanggang sa nakayanan ko na mag isa at heto ako 3rd year college na sa Engineering. Malapit na ako makatapos, malapit ko na matupad 'yong pangarap ko at isa na doon ang mahanap ang mga magulang ko.
"Athena..hindi ba parang ang harsh mo kay Danica kanina?" boses iyon ni Bianca. May pag aalala sa maamo nitong mukha.
Sumabat naman si Camille "Hindi ba harsh yong ginawa nila kay Athena?" umikot ang mata nito "I can't believe it! Pero kung ako ang tatanungin kung kanino ako magagalit? Kay Herold!"
Mabigat ang dibdib ko na pumasok sa room at kinuha lahat ng gamit ko. Uuwi ako ngayon sa apartment, wala akong pakealam kung hindi na perfect attendance.
Tumaas ang kilay ni Camille nang makita ako "Uuwi ka na agad? Para saan? Mag mukmok?"
"Hayaan na natin si Athena.." malambot na boses ni Bianca "Nasaktan sya Camille. Let rest her mind for a while."
Humalukipkip si Camille at hindi na tinago pa ang iritasyon. Ramdam kong may gusto syang sabihin ngunit hindi nya masabi sabi dahil alam nyang masasaktan ako.
I sighed "Don't worry about me."
Maraming lumilingon saakin na mga estudyante na gusto ako lapitan at kaawaan. Kung sino man ang dapat kaawaan dito, si Danica iyon. Tama si Bianca masyado ako naging harsh kay Danica kanina, dapat kinausap ko sya ng kami lang.
Pero masisi nyo ba ako kung bigla ko na lang malalaman na all this time the real reason of our break up is because of a woman. Hindi lang sya other woman, kasi somehow naging kaibigan na ang turing ko sakanya. I want to apologize to her, but not now.. hindi ko pa kaya.
Sumakay ako ng tricycle. Malayo ang tingin ko habang umaandar. Gusto ko mag tanong kung ano ba ang kulang saakin, bakit saakin ginawa 'yon. Binigay ko naman lahat lahat Herold ah?
Nag kulong lang ako pag kadating sa apartment na tinutuluyan ko. Tumahol si Balbon, kumawag kawag ang buntot nito na parang natutuwang makita ako.
"How's my baby boy?" aliw ko kay Balbon. Tumahol ito uli atsaka tumalon saakin. Humagikhik ako atsaka niyakap sya pabalik.
"Mabuti ka pa, hindi ako iniiwan."ngiti ko sa aso na akala mo ay maiintindihan ang sinasabi ko.
Pagkatapos, pumasok na ako sa loob. Binagsak ko ng bag sa sofa atsaka sumalampak katabi ang mababang lamesa. May mga kailangan pa ako dapat tapusin na mga floor plans.
Kinuha ko ang unipin .3 at inumpisahan ang dapat tapusin. Isinantabi ko muna ang lahat, hindi ko hahayaang maapektuhan ako habang tinatapos itong ginagawa ko.
Binuhos ko lahat ng oras ko sa pag gawa ng floor plans. Hindi naman siguro pag mu-mukmok ito. Mas okay na ito kaysa hayaan ko pa ang sarili na mag isip ng mag isip sa nalaman.
BINABASA MO ANG
Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)
General FictionGo find it but let me tell you this , if you were in my position. you still believe in love if that fucking love hurt you? -