Kabanata 19

919 38 7
                                    

Unti unti na nilalamon ng dilim ang kaninang kulay kahel na langit. Ang kaninang dumarating na mga tao ay nagsisimula na rin mag sialisan. At ang kaninang mag kahiwalay naming kamay ni Wayne ay mag kasalikop na nang mahigpit ngayon.

"Higpit ng hawak mo ah." Asar ko sa paraan ng paghawak nya sa kamay namin.

"Oo baka mamaya bigla ka tumakbo at bawiin 'yong sinagot mo kanina."

Tinitigan ko sya na 'di makapaniwala atsaka tinawanan. How could you say that? Halos lumabas ang puso ko ng bigla nya ginapang ang kamay sa bewang ko habang nanatiling nakatanaw sa lawak ng karagatan.

"What are you thinking?" I asked him.

He smiled "Kung paano mo ako sinagot kanina."

With that, what happened minutes ago flashed on my mind. Nag init ang pisngi ko.

Humarap sya saakin ngingiti ngiti "Paano na nga ulit 'yon babe?" Atsaka ngumuso.

"Wayne!"

"Sige na, kiss mo ako ulit tapos sabihin mo 'Yes oo akin ka lang--" hinampas ko sya nang mahina.

Eh! Uulitin mo lang at gusto ko ulit marinig. Parang panaginip."

I raised a brow "Gustong gusto mo talaga akong pinapahiya sa harapan mo 'no?"

"Anong nakakahiya sa pag sabi ng 'Yes oo akin ka lang--Aww!'

Ngumuso ako at nag iwas ng tingin. Kahit ako ay nagulat sa sinabi ko sakanya. Bakit ko ba kasi bigla nasabi 'yon kanina nung sinagot ko sya?

Sinilip ko sya na kinakamot ang ulo na kala mo batang nag tatampo. Lintek na talaga. Hindi ako titigilan nito.

Bumuntong hininga ako. Boyfriend ko naman na sya. Ano pa bang nakakahiya kung uulitin ko 'yon? Kaso...nahihiya talaga ako!

"Babe..baby..babe" kinakanta nya 'yon

Umirap ako atsaka hinarap sya.

"Fine!"

Automatic sya tumayo ng tuwid at kunyari tumikhim. Gusto ko matawa sa pinag gagawa nya. Para syang bata.

Huminga ako nang malalim atsaka kinuha ang dalawa nyang kamay. Tinitigan ko sya sa mata.

"Wayne.."

"Yes babe?" tignan mo pati boses nya sobrang seryoso. Gusto nya talagang ulitin 'no?

Inangat ko ang sarili atsaka lumapit sa kanyang mukha. Binuka ko ang labi ko at binaba ang tingin sa mapupula nyang labi.

"Yes..oo..akin ka lang. Akin ka lang Wayne Monterial...para ka lang kay Athena Mendez..." pagkasabi ko atsaka ko pinikit ang mata para halikan sya.

Kaso nagulat ako ng binigla nya ako ng hapit sa bewang na kina lapat agad ng labi namin sa isa't isa.

"Ibang version gagawin natin..." bulong nya at bago pa ako makapagsalita ay sinunggaban na nya ako ng halik!

Nag panic ako agad baka may makakita saamin. Kahit wala na masyadong tao rito sa resort syempre hindi pwede ang PDA rito!

"W-wayne!" ungol ko ng kinagat nya ang labi ko bago tumigil.

Hingal na hingal kami pareho pagkatapos. Masama ko sya tinitigan kahit sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Ang laki ng ngisi nya habang nag hahabol ng hangin. Akala mo nanalo ng lotto.

"A-anong ginawa mo?!" nauutal ako.

"Just kissed my girlfriend hmm?"

"In this public place?"

Tumango sya atsaka tumayo para mag inat inat.

Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon