Kabanata 17
Free hug
"Parang may iba sayo ngayon, Athena?"
Naniningkit ang mata ni Cheska habang nakangalumbaba sa counter.
"Akin na 'yong order." abot ko sa resibo na hawak nya.
Tumaas ang kilay nito atsaka ngingisi ngising inabot ang resibo. Umirap na lang ako sakanya atsaka dumiretso sa kitchem para i-prepare ang order.
"Madali lang namang sabihin na may makakasama ka na ulit mag celebrate ng Christmas!" tatawa tawa nyang sabi.
"Hmm. Sino kaya? Siguro 'yong hot na pogi na may killer smile na bumili ng blueberry cheesecake rito last time."
Lihim ako napakagat labi. Kung naririnig lang 'yan ni Wayne, siguradong pumapalakpak na naman tenga non. Puring puri pa naman.
"Mamaya na nga! Pero confirmed sa pangiti ngiti mo, Athena." umiling ito atsaka bumalik sa trabaho.
Tahimik ko 'no? Well it's been a week since that day happened. Sa buong week na 'yon, walang palyang kinukulit ako ni Wayne. Kahit oras ng trabaho ay oras oras bumibisita sa department namin.
Naco-conscious na nga 'yong ibang Engineers na kasama ko. Paano ba naman, makita mong sitting pretty 'yong boss mo sa loob ng department.
Wala ring palyang niyayaya nya ako na mag lunch o mag meryenda ulit sa office nya but I always declined his invitations. As much as possible, ayoko 'yong kami lang dalawa lang..
Ewan..sobrang laking tukso si Wayne.
"Athena nandito 'yong boyfriend mo!"
Bigla ako napasilip sa bintana. Nilibot ko ang paningin para makumpirma kung totoo nga ang sinisigaw ni Cheska.
Kaso tumatawang Cheska ang natagpuan ko na nakapameywang saakin.
"Gotcha! So may label na pala?"
"Cheska!" saway ko.
Tumatawang hinila nya ako sa pwesto nya.
"Tell me directly, si Wayne Monterial 'no?"
I gulped.
"Diba diba?"
I sighed and slowly nodded. "1 week ago, we confessed our feelings with each other."
"Tapos sinagot mo agad?"
Napaisip ako bigla. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang status namin ni Wayne. Basta ang alam ko lang ay nakuha nya ako...
"Nakakakilig!" tili ni Cheska na agad ko sinuway dahil may mga costumers pa kami.
"Akala ko pa naman, girlfriend nya 'yong kaibigan mo na si Bianca."
I froze. Halos makalimutan ko na...fiancee pala sya ng kaibigan ko.
Parang may dumagan sa dibdib ko. Huminga ako nang malalim at winaksi ang iniisip.
Dapat ko ba i-open ito kay Wayne?
"Oh ow..." si Cheska na nakatingin saakin. "May something ba sakanila?"
Ang alam ko lang ay childhood friend sila ni Bianca. Mag kaibigan ang magulang, parehas na mayaman. Uso ang arrange marriage sa pamilya nila kaya.. siguro pinag kasundo sila pero...
"Paano ka?"
Napakabigat. Hindi ko mabasa si Wayne. Ngayon ko lang napagtanto na masyado ako nag padalos dalos sa desisyon ko. Hindi ko muna inisip ang ibang bagay.
BINABASA MO ANG
Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)
General FictionGo find it but let me tell you this , if you were in my position. you still believe in love if that fucking love hurt you? -