Kabanata 18
Be Mine
Labis ang pag pipigil ko na ngumisi habang nag bibigay ng paper bags sa harap.
"Here's your change, Sir. Thank you!" pagkatapos ay dumiretso na ito sa mini booth sa gilid, tumapat kay Cheska at yumakap.
Umiling iling ako nang mahagip si Wayne sa gilid na parang batang hindi pinag bigyan. Nakasimangot ito at nakahalukipkip habang diretso ang tingin sa cake na order nito.
Hindi ko na napigilan pa ang sarili at natawa na. Wala na akong pakealam kung nakikita 'yon ng costumer na nasa harap ko.
Sakto namang lumingon si Wayne sa gawi ko. Tinaasan ako ng kilay. Bumunghalit na ako ng tawa.
"Gaga ka talaga, inaasar mo pa. Napahiya na nga kanina." si Cheska na lumapit saglit para uminom.
I bit my lip. Ngumiti ako sa costumer at kinuha ang orders bago sinagot si Cheska.
"Kasalanan ko ba 'yon?"
"Hindi. Pero huwag mo na asarin, yayariin ka nyan after nito. Sige ka." sabi nito bago bumalik sa pwesto.
Nag kibit balikat na lamang ako. Pagkatapos ma-ready ang orders ay binigay ko na ito sa costumer at binati.
Sinulyapan ko muli si Wayne sa sulok. Nakasimangot pa rin. Pero this time, busy na sa kakadutdot ng phone nya.
I chuckled. Paanong hindi sisimangot 'yan, kung hindi sya pinag bigyan ng boss namin sa hinihiling nyang bilhin lahat ng cake rito. Una nag reklamo ang mga costumers at agad na sinegundahan ng boss namin.
Kawawa nga ang bata dahil sinabi nya na kahit ako na lang ang i-take out nya. Ako na ang umiling sa sinabi nya. Ano ako pagkain?
Kaya iyan ang kinahinatnan nya. Busangot sa gilid.
Tinaasan na naman nya ako ng kilay ng gumawi sakin ang mata. Lumaban ako ng taas kilay sakanya. Hindi ako papatalo, remember may dapat pa kami pag usapan.
Ngumuso na lang sya.
Ganon lang ang nangyari sa buong araw. At dahil mahaba haba ang pila ay hapon na hindi pa rin kami tapos.
"Marami pa?"
Sinipat ko ang pila at tumango "Ilang flavors na lang ang available?"
"Last na lang ito."
Napamura ako nang mahina. Sabagay hindi naman namin inaasahan na ganito karami ang pupunta rito.
"We're so sorry but we only have one flavor left." sabi ko na hindi tumitingin sa harap.
"It's ok. Iyon na lang ang bibilhin ko, miss."
Napatigil ako sa pamilyar na boses na narinig. Agad ako nag taas ng tingin dito. Huminga ako nang malalim ng makitang si Stephanie nga ito.
Unlike the usual, nakasuot lang ito ng jeans and simple white tshirt na may logo ng Stan University. Ngayon ko na lang sya nakita dahil lagian ako sa site ngayon.
Inabot nya buong isang libo. Tumikhim ako ng makita sa kaha na wala na namang barya.
I composed myself "Wala po ba kayong smaller bill?"
Diretso sa mata ko syang tinitigan. Hindi naman ako bato para hindi makonsensya sa ginawa ko sakanya nung nakaraan.
"Mag kano ba?"
Napataas kilay ako sa gulat. Himala hindi sya nag taray ngayon.
"250 pesos, ma'am."
She nodded and open her wallet. Inabot nya ang saktong 250 pesos saakin. Sakto namang dumating na ang paper bag.
BINABASA MO ANG
Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)
General FictionGo find it but let me tell you this , if you were in my position. you still believe in love if that fucking love hurt you? -