Kabanata 2

1.3K 55 10
                                    

Kabanata 2

Expelled

Alas kwatro ay nag time out na ako. Mag papaalam muna ako kay Engr. Sanchez, kaso naisip ko na baka busy pa sila ni Wayne. Bakit ba hindi kaya patigilan ni Bianca na itigil ang soon to be kasal nila ni Wayne.

Yes, gwapo sya. Mukha syang model ng bench. Pero nakaka-turn off ang pagiging Playboy nya. Hindi ko maimagine ang sarili kapag nakasal ako sa isang playboy, baka gabi gabi wala sya, gabi gabi din iba't iba ang babae.

Dahil nag titipid ako ngayon, linakad ko na lang 'yong Coffee shop na pinapasukan ko. Malapit na kasi ang bayaran ng apartment. Tapos, ayaw ko naman galawin iyong ipon ko sa bank na para sa board exam ko.

Kung sana mayaman lang ako. Baka hindi ko pino-problema 'yong mga gastusin pang araw araw. Kaya swerte sina Camille at Bianca. Mayaman pamilya nila, lahat ng gusto nila nakukuha. Wala na sila dapat problemahin.

Pag pasok ko sa Coffee shop, nakita ko na si Cheska isa sa mga waiter din dito. Katulad ko ay working student sya, kasi sa Stan University naman sya nag aaral. Kumaway ako saglit atsaka nag mamadaling nagtungo sa locker para kuhain ang uniform.

Inayos ko muna ang sarili bago lumabas at pumasok sa counter.

"Kamusta ang OJT? Mabuti naka-time out ka ng maaga ah." si Cheska nang matapos mag linis ng lamesa.

Linagyan ko ng net ang buhok muna "Masaya mag halo ng semento. You know naman, ang mahalagang material na kailangan ng mga Civil Engineer ay...semento."

Tumawa ako nang mahina, sya naman ay ngumisi habang umiiling iling.

"Bakit kasi mas gusto mong mag trabaho sa field? Mas ok na nakakulong ka kaya sa office! Aircon pa." ani Cheska.

I shrugged "I don't know either. Mas gusto ko siguro makita at maranasan actual."

Tumunog ang pinto, may costumer. Umayos muna kaming dalawa ni Cheska. Nag tungo muna ito sa kusina.

I smiled "Good afternoon Ma'am. Welcome to the Coffee Cake!"

"Black berry cake and macchiato. Dine in" sabi ng babae.

Mabilis ko ito tinype atsaka sinabi ang price. Nang matapos ay inabot ko ito kay Cheska sa loob.

"Susunduin ka ba ng boyfriend mo mamaya?" I asked, matapos maibigay ang resibo.

She nodded. Kumilos na sya agad nang makita ang resibo. "Alam kong makikisabay ka kaya yes."

I chuckled. May kotse kasi iyong boyfriend nya, para tipid ay sumasabay ako pauwi. Nang matapos si Cheska ay kinuha ko ang order atsaka dinala doon sa babae.

"Here's your order Ma'am. Enjoy!"

Ganito lang ang ginagawa namin ni Cheska. Nag uumpisa kami mag duty 4pm at natatapos ng 10 pm. Madalang lang naman kami mapagod sa trabaho. Minsan minsan lang naman kasi may bumibili, naisip nga namin na baka mag sasarado na itong Coffee shop sa dalang ng mga costumer.

"Hindi pa ba tayo kinakausap ni Mr. Uy?" inaantok na tanong ko kay Cheska habang nakasandal sa upuan.

Ang lamig talaga sa loob ng kotse ng boyfriend nya. Tumingin ako sa harap, nag iwas ako ng tingin nang makitang nakatingin saakin si Tony, boyfriend nya na medyo...may edad na.

Seducer Series 4: Wayne Monterial (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon