CHAPTER 20
IT WAS A CHILLY NIGHT when Aria opened her eyes in an abandoned wrecked ship. Nanginginig ang kamay niya ng maramdaman nakagapos ito at mariin siyang nakaupo sa silya.
Nilukob kaagad siya ng takot ng makitang ganoon ang sitwasyon niya. Para siyang nalamog na prutas dahil sa patuloy na epekto ng sininghot niya sa panyo na sa paraan na 'yon ay manhid parin ang buong katawan.
Nagsimula siyang magpumiglas habang nagsimula ulit ang masagana niyang luha sa pagbagsakan. Hinihiling sa pagkakataon na 'yon na sana makaalis siya sa pwestong 'yon ngunit kahit anong gawin niya ay masyadong mahigpit at nasasaktan lang ang braso niya.
She don't want to scream for help because she already knew that no one will hear her, seeing that she's alone in this dark and secluded site. Pero umaasa siya na sana dumating kaagad si Tjardo para iligtas muli siya.
"God! Help me." she muttered while still trying to loosen the tie that binds her.
Pakiramdam niya sa anumang sandali ay tataob na ang sirang barko at lalamunin na ito ng malalaking alon sa dalampasigan ng marinig niya ang malakas na paglangitngit nito. Kinakabahan siya sa gawing iyon na halos nagawa niyang bilisan ang pilit na pagtanggal ng pisi sa braso at sa paanan niya.
Hindi pa umuulan sa mga oras na iyon ngunit alam niyang babagsak na ito sa kalangitan ng simulang gumuhit ang kidlat at pagdagundong ng kulog. Her body shook in fear at the same reason, that she was abducted and it was going to rain.
Kailangan niya na talagang makatakas sa lugar na ito.
Kalaunan ay napatigil siya ng may marinig niya ang malakas na pagkalabit ng gatilyo at maramdaman ang malamig ng ulo ng baril sa noo niya. Her scared eyes gazed at the man who was pointing a gun at her.
"What the fuck do you want, bastard!" sigaw niya sa nangangatal na tinig.
Mas lalo lang na diniinan ng lalaki ang dulo ng baril sa noo niya para mas lalo siyang manginig. Nanatili naman ang matalim niyang titig sa lalaki at animo'y naglalabanan ang tinginan nila.
"Sinabi ko na sayong ikaw ang kailangan ko. Kaya tumahimik ka at wag na wag mong susubukan na tumakas kung gusto mo pang makabalik ng buo sa nobyo mo." paliwanag nito at pinanlisikan niya na lang.
"Bakit? Gagamitin mo ba ako para siraan uli ang buhay ni Tjardo! Pwes! I won't let you, kahit ano pang pilit mo." protesta niya ngunit naasahan niya lang ang malakas na pagsampal nito.
Galit na tinignan niya muli ang binata habang lihim na tinitiis ang pananakit ng kanyang pisngi sa nagawang sampal nito. Bagkus, ay inilabas niya lang ang nanunuksong tingin niya sabay dinuraan ang mukha.
"I said shut the fuck up! Or else i'll fucking put a shitty hole on your forehead." gigil na sabi ni Hanson, ang naaalala niyang ex ng kanyang kapatid na si Alejandra.
Naalala niya na kasi ang lahat at ang mga bagay na 'yon ay bigla nagpabago sa isipan niya. Naging malinaw na ang mga katanungan na palaging di niya nahahanapan ng sagot. She felt her heart get stabbled multiple times by a sharp knife to think all those bad thing she made because of them.
Tama nga ang sinasabi ni Tjardo, marami talaga siyang ginawang kasalanan sa puntong nadurog niya ang puso nito at nabago. Dapat lang talaga siya na saktan at pagkamuhian nito.
YOU ARE READING
BASTARD 2: Tjardo Voltemaz - The Deception
RomantikAfter his first breakup, Tjardo Voltemaz never tries to stepped in relationship again. Knowing how hard to restrain the pain that it will left as he experience so much things that still affects his perspective on life. He's known as the heartless ty...