PROLOGUE

6.1K 117 19
                                    

PROLOGUE

MARIING IPINIKIT ni Tjardo ang kanyang mga mata habang kinokompronta siya ng kanyang magulang sa telepono. Sa dami ng problemang pumapasok sa kanyang isipan ay tila ba wala na para sakanya ang mga salita nito at nagagawa niya lamang ang tumango.

"Hey, son? Are you even listening to us?" pagalit na tanong ng kanyang mga magulang bago lang siya nahimasmasan.

"I'm sorry, can you repeat that again?" mabilis niyang tanong sabay minasahe ang sentido sa pagod na nararamdaman.

"Sinasabi ko sayo, Tjardo! Palaging makinig ka sa mga sinasabi namin dahil para yan sa ikabubuti mo!" rinig niyang bulyaw ng kanyang ama sa linya.

"Yes, Dad. I'm sorry." He apologized.

"May nakaabot saking balita dito sa mansion na hindi pagaaral ang inaatupag mo kundi ang pagtatrabaho. Now tell me the reason why are you working and why do you keep on hiding it to us?" responde muli ng kanyang ina, ramdam niyang iritang-irita na ito sakanya base sa boses nito.

Pero wala ni isa ng salitang lumabas sa bibig niya upang sumagot at tanda na iyon na naiinis na siya sa paulit-ulit na tanong sakanya ng kanyang magulang. Madali ng masagad ang pagtitimpi niya sa gitna ng usapan, unti-unti ng umiinit ang kanyang ulo sa nakakarinding tanong nito sakanya matapos niyang pasanin ang nagkakahilerang trabaho niya.

"I'm sorry Mom, I'll just talk about it later. I'm really exhausted." hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na patayin kaagad ang linya kahit alam niyang bastos ito pero wala na siyang magagawa, iyon na lang ang tanging makakapagpa-tahimik sakanila.

Ang alam niya lang ay kailangan niyang makakalap ng pera galing sa sariling pagod niya. He choose to work his ass off so he could rely on himself for his daily expenses and his also his long time partner he was planning on.

Itinapon niya ang cellphone sa ibabaw ng kanyang kama bago siya roon humiga saka humugot ng malalim na hangin. Pagod na pagod siya galing trabaho at hindi niya aasahan sa ganitong oras ay bubulyawan pa siya ng kanyang mga magulang.

He wants to rest now but unfortunately everything is already disrupted for him, knowing that his parents finally know that he's working.

Gusto niya man kausapin kung sino man ang naglakas-loob na isumbong siya sa kanyang mga magulang. Kung magagawa niya lang iyon ay tiyak napatahimik niya na.

Marahas siyang napasapo ng kanyang nuo saka bago bumuntong-hininga, "Why I always messed this up!" he blamed himself while mentally smacking his head out.

Bagkus sa nahihirapan niyang sitwasyon ay dinampot niya na lamang ang larawan niya at ng kanyang girlfriend na si Aria Ledesma, itinapat niya iyon sa kanyang mukha saka hinaplos-haplos ng kanyang daliri.

"Aria, I'm sorry but I'm trying my best to help you. But for now? I don't know if I still can." bulong niya sa larawan animo'y kinakausap ito.

"I'd never just given a chance to be with you as of now because my parents prohibit me to go out with somebody. But I promise, we will be together soon." Tjardo said as he kissed the photo frame.

Mabuti na rin sakanya na nakapagtrabaho siya dahil nakabili siya ng inuukupahang apartment kahit maliit lang ang sahod na natatanggap niya. As much as possible, he don't want to stay in their mansion anymore together with his parents and a single housemaid.

When he's always there, he always sucked at everything to what his parents say just to say they're independent. Like there's no room for him at all, he always felt like a slave in every single day and every waking moment that's why he left and instead he find his own safe haven.

At mukhang ngayon ay magiging balakid muli ang kanyang magulang sa pinagkukunan niya ng budget para buhayin ang kanyang sarili at maitayo ang pundasyon na nais niya sa kanyang relasyon.

BASTARD 2: Tjardo Voltemaz - The DeceptionWhere stories live. Discover now