Yhv Yhacee
Parang aatakihin ako kahit wala kong sakit dahil sa sobrang saya! He just called me! For the first time! At it feels like heaven to me na.
"Ay sorry! Yhv naman bakit mo sinalubong ang screen door! " bigla naman akong napahawak sa noo ko dahil sapul talaga sa noo ko ang pag tama ng screen door pero hindi naman kalakasan. Kami lang ni Tsha ang nakapuna dahil nasa lamesa na sila at kumakain.
"Ang sakit!" tatawa-tawa pa kami dahil sa nangyari. Hinaplos naman nito ang noo ko at bahagyang hinipan.
"Sige okay na, papasok ko a ito."
"Sure ka? Baka mag bukol lagota ko sa bebe mo."
"Tisha!" ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, grabe nakakahiya kung sakaling marinig niya.
Lumingon naman ako sa direksyon niya na nakaupo na din, laking gulat ko ng nakatingin din ito sa amin, agad akong nag iwas at muling bumaling kay Tisha na pangiti-ngiti.
"Yieeee!" sinaway ko naman ito, hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang pagtitig ni Zhin.
"Alis na dyan, kumain ka an dun." Pag tataboy ko sa kaniya dahil nanunukso na naman ang tingin nito.
Pumasok na ako sa kumbento at laking pasasalamat ko na walang tao, nasa taas siguro si Father Xander para magpalit. Mag uumagahan na din kasi yun bago mag misa sa kasal. Nilagay ko na ang basket sa hagdan, napasok na din ni Ellie yung isa. Huminga muna ako ng malalim bago lumabas. 'Dalawang tao na may epekto pa rin sa kain ang haharapin ko.
Dahan-dahan ko ng binuksan ang screen door pero napansin pa rin nila ako. Lalo na si Zhin na matiin pa rin ang tingin sa akin. Umupo ako sa tabi ni Ellie na kumakain na habang katapat ko si Lhance at sa center chair nakaupo si Zhin, naka dekwatro pa.
Tumingin ako sa nasa hapag at sopas ang main dish, may loaf at palaman, tapos yung tinapay na malambot tapos kape. Tipikal na pang umagahan.
"Oy paabot nga nung sopas." Kumuha ako ng mangkok at disposable spoon. Inabot naman ito ni Ellie.
"Thank yah!" Nag salin na ako tapos inabot ko yung malambot na tinapay, masarap kasing ipartner yung dalawang yun.
"Late na ako nakatulog kagabi e." ani ni Ellie na ikinalingon ko sa kaniya. Sina Seth ay nag ku kwentuhan habang sina Kate at Isaiah ay may sariling mundo.
"Bakit naman?" patuloy pa din ako sa pagkain.
"Tinapos ko yung sa paper namin, nakakainis yung mga kagrupo ko."
"Si Dell ba hindi mo katulong?" tukoy ko sa isa naming best friend na ka group niya.
"Siya na nga tumapos nung ibang chapters kaya ako na ang tumapos tsaka nag edit. Buti nakahabol sa deadline." tumngo naman ako.
"Buti nga until 11:59 pm ang submission. Babawian ko talaga ang mga yun sa report kapag nag pasa ako." 'Perks of being a leader, pwede mo bawian mga ka grupo mo sa narrative report.'
"Tapos ang lalakas pa mag myday nina ano e, wala namang gawa." nakakainis talaga yung mga yun. Sila daw tutulong pero makikita na lang may post na sa instagram at myday.
"Late na din ako nakatulog kagabi, puro basa na ako tsaka may tinatapos." tumango-tango naman ito.
Sa buong tropa, I keep my life private lalo na in terms of family ganun kasi hiwalay talaga ang mga bagay na yun. I'm not like them na ready ikwento ang buhay nila, hindi sa I don't have trust in them. It's just that I wanna keep it on my own and tell God my story.
BINABASA MO ANG
Her Cold POSSESSOR
General FictionYhv Yhacee is a shy, quiet, and humble young girl, but when it comes to her crush, she is outspoken. During her four years of serving in a parish as a youth and lector, She met the man she liked. And, unbeknownst to him, she developed a crush on it...