Kabanata 14

117 2 0
                                    


Yhv Yhacee


Napaigtad ako mula sa pagsusuklay ng yumakap sa likod ko si Zhin. 

"You smells heavenly babe." Humalik-halik pa ito sa leeg ko. 

"Zhin, nagsusuklay ako." I patiently said kasi mangungulit na naman ito at gustong magpalambing. 

 "I know. I'm just nilalambing you." Napakunot noo ako dahil lambing daw pero bumababa na sa pagitan ng hita ko ang kamay niya. Hinampas ko ito kaya natatawang binalik niya ang kamay sa bewang ko. 

"'Yang lambing mo ha, iba ata yan." 

"Okay. I'll behave... For now." I tsked. 'Ang landi talaga ng lalaking ito'. Ipinagpatuloy ko ang pagsusuklay kahit panay ang lambing niya sa likod ko. Gabi na at patulog na kami, sabay kaming nag dinner kanina at ngayon ay kakapalit lang namin ng pantulog. Naka oversized shirt ako at shorts, may night gown dito sa walked in closet ni Zhin pero napaka revealing at pakiramdam ko ay 'di nababagay sakin para isuot. Lalo na at kung ang katabi ay si Zhin Kendrick naku, gagana na naman ang pagiging manyak nito pag nakitang ganun ang suot ko.


"How's your day with your friends babe?" Napatinggin naman ako sa kaniya sa salamin. 

"Ayos naman, masaya. Sa may coffee shop sa tambayan lang kami nagpunta. Dun na kami nag palipas hanggang hapon." Ani ko, mabuti ng sabihin sa kaniya ang lahat ng nangyari kaysa magtanong pa siya ng magtanong. 

"I know." Napalunok naman ako. 


"Z-Zhin, 'di ba pinag usapan na natin 'yang pagpapabantay mo sakin? Hindi naman ako mag sisinungaling sayo e, kaya please ayoko nung pakiramdan na may nagbabantay at sumusunod sakin." Ramdam kong natigilan siya at humigpit ang yakap sakin. 

"Yeah, we already talked about this at hindi ako pumayag sa bagay na 'yan. You will have bodyguard for your safety and for me to know your whereabouts. It's also for your protection babe, ayaw kong mapahamak ka o mawala sakin. Hmm?" I sigh. Tumango na lamang ako at sumusukong ngumiti. He smiles back at hinalikan ang sentido ko. 

"Let's go to bed." Naglakad kami papuntang kama habang nakayakap pa rin siya sa likod ko. 'Ito yung sinasabi kong lagi siyang nakadikit sa akin.'


When we reached his bed ay bumitaw na siya at naunang humiga, he extended his arms for me. I sigh dahil alam ko na ang ibig sabihin nun. Sa taas niya ako gustong matulog. I crawl above him hanggang sa dumapa na ako at nasa dibdib niya ang ulo ko. He cover us with comforter at dahil malamig because of aircon ay sumiksik pa ako sa kaniya. Para sa akin ay ito ang kumukumpleto sa araw ko, ang makayakap siya sa pagtulog at maramdaman ang pag tibok ng kaniyang puso. He combs my hair and hum a lullaby song.

Ganito kami tuwing gabi, siya lagi ang nagpapatulog sa akin dahil alam niyang namamahay pa rin ako kahit one month na akong madalas dito mamalagi. Effective naman ang ginagawa niya dahil nakakatulog agad ako. 


"Babe, let's go to a date tomorrow?" Agad naman akong napatunghay sa sinabi niya. 

"Date?" 

"Uhuh." 

"Pero kaka date lang natin last Sunday." He chuckles. He pinch my cheeks kaya pinalo ko ito. 'Masakit!'

"Silly what's wrong if we date again? I want to have sa 'me time' with you. Ayaw mo ba nun?" Halos palagi naman tayong may 'me time'. Sobra-sobra pa nga e.

Her Cold POSSESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon