Kabanata 13

128 5 0
                                        


Yhv Yhacee

One month later 


Kasabay ng malamyos na tugtog sa coffee shop na kinaroroonan namin ng tropa ay ang paglipad ng aking isipan. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa paligid ko at tanging nakatuon lang sa screen ng laptop na nakasleep mode kaya nakikita ko ang reflection ko. I'm now spacing out.

I am not the same Yhv Yhacee anymore, physically and mentally. One time habang tinititigan ko ang sarili ko sa salamin ay napansin ko ang pagbabago sa katawan ko. I became more slimmer, mas na expose ang kurba ko sa katawan, isa pa ay I--- no... Zhin decided to cut my hair kaya naman ang dating hanggang bewang ko na buhok ay naging hanggang balikat na lang. Maraming nag sasabi na bagay sakin ito isa na lang ang tropa at mukhang nakakabata raw at bagay nga dahil maliit ang mukha ko. Sana lang ay hindi magtampo ang buhok ko dahil sa mahabang naputol na buhok ko. One more thing is that... Nabibihisan o na iispoil ako ni Zhin dahil simula ng nangyare yung ang araw na maging kami ay sa kaniya na ako tumutuloy, minsan ko na lang mabisita ang condo ko. Dahil desisyon nya. For past one month na magkarelasyon kami ni Zhin ay dama ko ang pang iispoil niya sa akin sa lahat ng bagay. Na kahit sobra na at ayaw ko ng tanggapin ay pinipilit pa rin niya dahil ani niya nga ay, 'I can't say NO to him'.

Mula sa damit, abubot sa katawan, pagkain at iba pa ay 'di ako nawawalan. Kaya bilang kapalit sa mga binibigay niya ay sumusunod ako sa kaniya, ako ang naghahanda ng pagkain namin sa araw-araw, ako ang nag aayos ng mga isusuot niya sa pagpasok niya sa trabaho at kahit ayaw niyang maglinis ako ng penthouse ay ginagawa ko pa rin. Higit sa lahat ay gusto niyang sinasalubong ko siya sa pinto pag kauwi niya. 'It feels like home raw kasi pag ginagawa ko yun'. Ewan ko ba sa kaniya at ayaw sa bahay ng parents niya mamalagi.Isa pa pala yun dahil 'di pa kami nakakadalaw sa bahay ng parents niya na kagustuhan ni Zhara, pero sabi naman ni Zhin dadalaw kami sa susunod na linggo busy lang daw siya nitong nakaraan.Kinakabahan pa rin ako pag naiisip yun ,yung pag dalaw at pag uwi ko sa probinsya ay 'di pa rin natutuloy dahil sa kakulitan ni Zhin at gusto pa raw akong masolo at makasama. 'Ang kulit talaga nun'. Tumatawag na lang ako sa amin para hindi sila mag alala at nangako na uuwi ako sa katapusan, poproblemahin ko na lang ang pag paaalam kay Zhin kaya bahala na. Nakakapagpadala naman ako ng pera sa kanila every 2 weeks dahil nakakaipon ako kahit papaano dahil narin sa pagiging manunulat ko at kay Zhin pa rin na binibigyan ako ng allowance every week. Sobra-sobra na talaga ang binibigay niya na 'di ko naman na gagastos kaya iniipon at pinapadala ko sa pamilya ko at ipinaalam ko naman kay Zhin. 'Baka kasi magalit pag hindi ko sinabi, suportado rin naman siya.'

Isang bagay pa pala ay ang sekreto ko bilang 'Phineapplie' ,nahihirapan akong magsulat pag nasa penthouse at nandun siya dahil lagi na lang siyang nakadikit at naglalambing kaya palagi akong pasimple o 'di kaya kapag nasa trabaho siya ay binibilisan ko ng matapos ko na ang nobela at book cover. Mabuti na lang at natapos ko na iyon na sulatin at tanging book cover na lang ang iniintay nila para maging officially published na ang libro ko.

I sigh. Sobrang dami ng nangyari for the past one month, ang dami kong ginawang adjustments pero kahit papaano ay may galak sa puso ko na nakakatulong ako sa pamilya ko, naaabot ko ang pangarap ko at kasama ko ang mahal ko. Though Zhin sometimes act possessive lalo na pag nag seselos ay 'di ko itatanggi na unti-unti pa rin akong nahuhulog sa kanya day by day. 


One shocking moment naman sakin ay when he admitted na . . . He loves me. Yes he confess na mahal na niya ako! Napa O ako nung time na yun kasi, 'Is this for real?!' Am I dreaming?! Kasi ang bilis! Sobra. I mean hindi naman niya ako aangkinin ng ganun kung wala lang pero when he admits that he loves me ay parang natigil sa pag function ang utak ko at nung mahimasmasan ako ay gusto kong magtitili dahil sa kilig! 

Her Cold POSSESSORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon