Yhv Yhacee
I sigh as I cross sign at inangat ang luhuran, nagdasal muna ako bago umuwi. Aalis na ako habang nasa likod na ulit yung mga kasama ko, parang naubos ang energy ko dahil sa mga pangyayari ngayon. 'This day consume so much of my energy!' Nag bow muna ako bago lumabas ng simbahan. It's a sign of respect to God at respect na din sa blessed sacrament na nasa gitna ng altar, 'ang tabernakulo'.
After ng misa sa kasal ay hindi ko na napansin si Zhin dahil dumeretcho na siya sa sacristy. Pero may isang tao akong napuna na pasulyap-sulyap sa akin. 'Lhance.'
It's been two years since our last conversation. Nawalan na kami ng komunikasyon, through social media man o personal man. Also, there's a story behind us na mabuting kalimutan na lang, cause it left a scratch on my inner part.
Napapitlag ako ng marinig ang pagbusina ng isang sasakyan sa likod ko, napatalon pa ako ng bahagya dahil nasa gitna ako ng muni-muni kaya akala ko kung ano. Namilog ang mata ko ng pumarada sa gilid ko ang isang White Hyundai Genesis Coupe. 'Gosh!' Ang pogi ng sasakyan! Pero namula naman ako ng bumaba ang salamin nito sa driver's seat at ang driver lang naman ay si Zhin! 'Hala mukhang bago itong sasakyan niya ah, hindi ito yung ginagamit nila nun pagsisimba with his family.'
"Zhin?" hindi ko alam pero siguro mukha na akong kamatis dahil sa pula. He just smile on me! Zhin Kendrick my 3 years crush smile on me! Kyah! 'First time mare!' His complete set of teeth, ang labi niyang manipis na medyo pinkish. Kapuna puna din ang matangos niyang ilong, medyo lubog na brown na mga mata at makapal na kilay idagdag pa ang kaputian ng kutis niya. Mukha pa lang sapat na paano pa kaya ang built ng katawan.
'Ayy! Yhacee yang utak mo!'
Nabalik ako sa diwa ko ng marinig ang bahagya niyang pag tawa. 'Gosh, kakahiya!'
"You look mesmerized." napakagat labi ako. Ang fluent niya mag english tsaka paranag natural na sa kaniya ang pagsasalita nito pero matatas din siya mag tagalog. Napupuna ko yun tuwing siya ang mag lelector. Ang lalim at buo pa ang boses.
"A-ah, e-eh." napangiti na lang ako pero hindi ko alam kung ngiti pa ba yun o ngiwi dahil sa kahihiyan.
"Where are you to?" bahagya naman akong yumuko para makita siya ng ayos, buti na lang round neck itong dress ko.
"Pauwi na po." I give my sweetest smile to him dahil ganun naman din ako sa iba. 'Talaga ba self?' Buti na lang hindi ako nautal.
"W-wanna drive you home?" agad naman akong umiling.
"Wag na po, nakakahiya din po, mas gusto ko pa din po muna lakadin ito bago pumunta sa sakayan ng jeep."
"You should stop saying that 'po' Missy. And I insist, on the way naman siguro ang bahay mo papuntang Metro, right?" I pressed my both lips. 'Grabe self, nahiya ka pa, e grab the oppurtunity nga!'
"Opo--Oo pala, pero baka po nakakaabala hehe." napakunot noo naman ito. 'Hala galit na ba siya?'
Napaatras aman ako ng buksan nito ang pinto ng sasakyan, bumaba siya at talagang napatingala ako sa kaniya dahil umabot lang ako hanggang balikat niya.
"Z-Zhin." His body hover on my front, parang natatabunan na niya ako. His body built is not as full of muscles, sapat lang ang pag kakabuilt nito upang ma expose ang bicep at tricep niya, maganda din ang tindig.
'Kaya mo nga siya naging crush self!'
'Hindi no, hindi ko lang naman siya naging crush dahil dun.' Grabe inaaway ko na ang sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/275305630-288-k848478.jpg)
BINABASA MO ANG
Her Cold POSSESSOR
General FictionYhv Yhacee is a shy, quiet, and humble young girl, but when it comes to her crush, she is outspoken. During her four years of serving in a parish as a youth and lector, She met the man she liked. And, unbeknownst to him, she developed a crush on it...