Chapter 34: Trouble 2....

83 4 3
                                    

You are everything I need...

Jann's POV

Inis na ibinalik ko sa bulsa ang cellphone ko. Ilang araw na rin akong nakatatanggap ng nakakalokong "skull icon" na iyon mula sa di ko nakikilalang number. Dahil sa icon na bungo, tinawag kong Mr. Skull kung sino man ang nagmamayari ng number na iyon. Wala ako care kung lalaki o babae man siya.

Sabi sa horoscope ko. Lucky day ko raw pero kailangang mag-ingat. Ano kaya yun?! Ayaw ko na sanang pansinin pa iyon at gusto kong mag-focus sa nalalapit na laban nina Skye pero paulit-ulit ang dumadating na message halos sa buong mag-hapon.

I-report ko kaya sa pulis? Kaso baka pagtawanan lang nila ako. Ano ba naman ang "skull icon" na iyon kumpara sa dami ng problema ng Pilipinas na forever na yatang hindi maso-solve.

Hay, Nakaka-stress lang ng beauty! Sabi ng mga baliw friends ko, dedmahin ko na lang daw. Baka secret admirer ko lang daw yun na mukhang bungo! Akalain ninyo yun, naisip talaga nila ang bagay na iyon!

Tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ay another unknown number uli! Sasagutin ko ba? Bago pa ako makapag-decide ay tumigil na sa pag-ring ang phone ko.

My golly wow! Ang lakas niya talagang maka-stress!

Muling tumunog ang phone ko. Sa pagkakataon na yun ay sinagot ko na siya. Pero walang ibang nagsasalita sa kabilang linya. Tanging naririnig ko lang ay parang tunog ng t.v na nawalan ng signal. Pakiramdam ko, any moment lalabas si Sadako sa phone ko. Bigla tuloy akong kinilabutan!

"Sino ka ba? Bakit ayaw mong magsalita?" Lakas-loob na tanong ko. Biglang namatay ang tawag. Langya talaga!

Ahhh! Magpapalit na talaga ako ng simcard!

Minabuti kong magpunta na lang sa gym para panuorin ang practice nina Skye. Bukas na ang laban ng Knights versus Thunders. Maraming nagsasabing sure win na raw ang school namin dahil first time sa finals ang Thunders. Pero para sa Knights, walang madaling kalaban sa koponang nais lumaban. Baguhan man ang Thunders sa finals, hindi pa rin sila magpapakumpiyansa na magiging madali ang laban nila. Pursigido ang Thunders na manalo at masungkit ang korona. Katibayan na ang mga pinagdaanang games ng Thunders at ang mga bigating koponang nakalaban nila.

May nagsasabing madumi daw ang laro nila. Hindi lang madumi, madugo pa! Ilang players na ba ang naospital dahil sa masyadong physical na laro nila?

Tsk! Naku! Huwag lang talagang masasaktan si Skye... Hindi na talaga sisikatan ng araw ang mananakit sa kanya! Siyempre, ganun din sa ibang members! Hahaha!

Naabutan ko si Mandy sa gym. Hulaan ninyo na lang kung sino ang pinapanuod niya. Masyadong malihim ang isang 'to, eh. Wala daw silang relasyon ni Ryder pero sweet-sweetan ang peg nila noon sa resort!

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong niya pero ang mga mata ay hindi maalis sa lalaking sinisinta. Harot!

Hindi ko siya sinagot. Nag-flying kiss lang ako kay Skye! Hish, walang pakialamanan!

After na ng practice nang lumapit sa akin si Skye. Iniwan na namin sina Mandy at Ryder. Nagpunta kami sa canteen para kumain ng ice cream. Sabi nga ni Joseph Yeo; The couple that eats ice cream together, stays forever!

"Sure kang ice cream lang ang kakainin mo?" Tanong ko sa kanya after naming kumain ng ice cream. "Huwag kang mahiya sa akin. Kumain ka lang nang kumain. Kailangan mo nang maraming energy para bukas." Inilabas ko ang mga inihanda kong baon kanina. Para sa kanya talaga 'to. Iniabot ko sa kanya ang kutsara at tinidor. "May halong pagmamahal yan. Sa puso ko lang matatagpuan ang mga sangkap na inihalo ko diyan." All smiles na sabi ko.

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon