Chapter 21: The truth...

172 27 8
                                    

Each star in the sky symbolizes one reason why I love you...

Blue's POV

Hindi ako pumasok ngayong araw. May ha-huntingin kasi ako eh. Tamang-tama namang nasa garden siya nang magpunta ako sa bahay nila.

"Hi, Angel..." Lumapit ako sa kanya at naupo sa katapat niyang upuan.

Halatang nagulat ito. Agad nitong isinara ang laptop....

"Hi, k-kuya Blue?..." Alanganing sabi nito. Tumango ako bilang pagsang-ayon na ako nga ang tinutukoy niya

"Mukhang busy ka ah..." Napatingin ako sa laptop niya pero pasimple nito iyong iniiwas!

"Just checking my friends' e-mail.. May kailangan ka?"

"Wala naman. May ibabalik lang ako sa'yo..." Inilapag ko sa harapan niya yung hawak kong brown envelope. Kinuha nito iyon at tiningnan ang laman. "I don't know what's your reason behind those pictures pero binabalaan kita, Angel..."

"Paano mong nakuha ang mga ito?"

"Hindi na mahalaga kung paano kong nakuha.Gusto kong malaman kung bakit nagawa mo kay Jann ang bagay na yan? "

Napakagat-labi ito. "You like her, don't you?.."

"Labas ka na sa kung ano mang feelings ko para sa kanya..."

Napayuko ito. "S-sorry. Wala naman akong balak sirain siya. Si January lang naman talaga dapat ang makakakita ng mga iyon. Pero hindi sinasadyang maiwanan ko sa C.R. Swear!, hindi ako ang nagdikit ng mga pictures sa C.R!.."

"Kay January ka humingi ng sorry at hindi sa akin." Tumalikod na ako pero mabilis niyang hinawakan ang kamay ko.

"Please don't tell this to dad, Kuya Blue. Pagagalitan niya ako!."

"Bakit mo ba kasi ginawa ang bagay na iyon?"

Saglit itong natigilan. "K-kasi narinig ko silang nag-uusap tungkol kay Kuya Skye at sa anak ni Tito Arnold.."

"Anong narinig mo?.."

"Nandito pala kayong dalawa..." Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan ng tinig. Si Tito Rod, papalapit sa amin.

"Dad!" Tumakbo palapit si Angel dito.

"Kamusta po.."

Tsaka ko na lang uli kakausapin si Angel...

Jann's POV

"Bakit ngayon ka lang?" Salubong ni Sabine pagkapasok ko ng kuwarto. Sa ibaba pa lang ay nakapagpaliwanag na ako kay Manang kung bakit hindi ako nakauwi ng nagdaang gabi. Naiintindihan naman daw nito. Isa pa, tumawag na rin daw si Skye para ipaalam ang nangyari.

Sinabi ko kay Sabine ang nangyari. Maya-maya ay pumasok si Mandy at nagtanong din.

"Wait lang, ha. Sigurado akong may papasok pa sa pintuan na yan at magtatanong. Hintayin na lang natin sila..." Pabagsak akong nahiga sa kama. Hindi nga nagtagal at pumasok si Fann at Fairy para maki-usyoso!

After ng mahabang paliwanagan sa aking mga baliw na kaibigan kung bakit hindi ako nakauwi, sa wakas hayahay na ang buhay!!!

"So, buntis ka na?" Seryosong tanong ni Mandy. Seryoso talaga siya!

"Siraulo!" Binato ko siya ng unan. "Wala ngang nangyari diba? Magkatabi lang kaming natulog."

"Duda ako sa iyo eh. Baka ginapang mo si Skye habang himbing siyang natutulog!" Nakangising sabi nito.

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon