Chapter Three: Him...

461 52 9
                                    

It's sweet when a person makes such an effort to be with you...

Jann's POV

Feeling heaven talaga!

Yung pakiramdam na parang namumulaklak ang buong paligid ko...

Yung kahit may bumagsak na UFO sa harapan ko ngayon... ay wala akong pakialam!

Basta masaya ako! sobrang saya!!

That 1% chance....

and the one billion dollar-smile of Skye... Hindi maalis sa isip ko!

Bigla na lang akong matitigilan at mapapangiti...

Nababaliw na yata ako!

Just a glance and a smile from him makes me fall inlove deeper than before...

Kailangan makaisip ako ng paraan para mas mapalapit pa sa kanya... hindi dapat masayang ang 1% chance ko.

After ng practice ay umuwi agad ako nang maaga. Hindi ko na hinintay ang mga baliw kong kaibigan. Naabutan ko si Manang Fe na nanunuod ng balita. Lumapit ako't nagmano...

"Sa nakikita kong ngiti mo at kislap ng mga mata. Nahuhulaan ko nang may magandang nangyari sa'yo sa araw na ito..."

kinikilig na iki-nuwento ko sa kanya ang nangyari sa gym kanina ...

"hindi na masama ang 1% chance na yun..." nakangiting sabi nito

"Ano po kayang dapat kong gawin para mas mapalapit pa sa kanya. Kailangan po sa susunod hindi lang basta sulyap at ngiti.. dapat kausapin n'ya na rin ako. Hindi naman imposible yun, Di po ba?.."

"nothing is impossible when it comes to love....kung talagang seryoso ka, magagawa mo yan.." tumayo ito at pumasok sa kwarto nito.

Tutulugan na yata ako.... pero hindi naman, lumabas ito at may iniabot sa akin. Isang maliit na notebook iyon na maraming nakasulat na pangalan at celphone number... binibigyan yata ako ni manang ng ka-textmate!

"Makakatulong siguro yan. Mahalaga ring malaman ng taong mahal mo, na siya lang ang iniisip mo. Na mahalaga siya sa'yo sa bawat minuto.."

Tumango-tango ako.... "eh, ano po ba ito at para saan?..hindi ko po Kailangan ng textmate..." binuklat-buklat ko ang bawat pahina nang bigla akong matigilan.... may nabasa akong pamilyar na mga pangalan... Ryjan Dela Cruz, Axel Saavedra, Spark Dela Rosa,Ryder Montelivano..... "Skye Saavedra....." napatingin ako kay manang.

"Ako rin ang nagbabantay sa mga varsity boys na nagdo-dorm... masyado silang makukulit at pilyo, kaya kinuha ko mga numbers nila para ma-check ko sila bawat minuto...."

"pero hindi naman po siya nagdo-dorm..."

"hindi nga pero pinababantayan sila ni Lexene..." kumindat ito...

"Grabe talaga ang babaeng yun! dapat siguro ihanap ko rin siya ng magiging boyfriend niya. Pero malamang walang makakatagal na lalake dun, sobrang sungit eh!... "

Tumawa lang ito "by the way, try to bake something for him. He will love that for sure..."

"talaga po?..." bigla akong na-excite. Matagal na panahon na rin nang huli akong mag-bake para sa isang tao...

Napatingin ako sa number ni Skye. This is it pusit! isang paraan para mapalapit kay Skye!

Skye's POV

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon