Chapter 31: Beginning today...

154 6 0
                                    

I can't promise that things will be perfect, But I swear I'll never leave...

Jann's POV

"Listen, guys!" Nakangiting sabi niya. "This girl beside me, is the only girl here in my heart and no one else can ever replace her!"

Wala na akong masabi!

Parang gusto ko na lang maiyak...

Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao. Pinakamalakas ang sa member ng mga knights na nandoon din pala!

"Jann, mahal kita!" He looked straight  into my eyes while he was saying those words i long to hear.

And to my surprised, he kissed me quickly! Just a smack on the lips!

Oh my gosh! Oh my gosh!

Wala na, nababaliw na ako! Hindi ko alam kung paanong natapos ang eksena na yun at kung paano kami nakaalis doon. Lumulutang na naman ako!

Marahan kong inugoy ang duyan na sinasakyan ko. Nandito kami ngayon sa park habang kumakain ng ice pop. Lakas ng trip namin, noh? Dito muna naming naisipang dumeretso bago umuwi. Ikinuwento niya ang tungkol sa nangyari kanina at kung sino yung girl na kasama niya.

Nilingon ko si Skye. Haha! Ang cute niyang tingnan habang sumisipsip ng ice pop. Parang bata!

"Skye, kailan nagbalik ang ala-ala mo?"

"Noong umaga bago mo ako niyayang mag-date.." Nakangiting sabi niya.

"Hala! Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin?"

"Trip ko lang. Actually, wala nga akong balak sabihin sa'yo eh.." Sabay kindat sa akin.

"Ikaw pala ang malabo, eh.... hindi mo ba alam na nasasaktan ako sa tuwing naiisip ko na baka nga hindi mo ako minahal?"

"Sorry for causing you pain. For everything." Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang hinila patayo. Nagtama ang mga mata namin, at mula sa liwanag ng nagkikislapang bituin sa malawak na kalangitan ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. He really feels sorry.

Hindi ko gusto yun. Ayaw kong nalulungkot siya. Nang mapatingin ako sa lips niya, hindi na ako nakapag-isip pa.

I kissed him....

But I only intended to give him just a smack on the lips, but he responded  to my kiss passionately!

Hala!

Skye's POV

Hindi ko inaasahan yung ginawa ni Jann. At aaminin ko, marami na rin akong nahalikang babae pero iba siya. It feels like I'm already addicted to her kisses. It makes me long for something more. Pero alam kong hindi pa pwede. Mga bata pa kami. We have to take it slow. Thanks God, i found the will to stop kissing her. Whew!

"Ihahatid na kita..."Bahagya akong lumayo sa kanya.

"S-sige.."

After ko siyang ihatid sa dorm ay dumeretso na ako ng uwi. Naabutan ko sina mommy at daddy sa sala habang nanunuod ng favorite nilang movie. Bakit ko nasabing fave nila?.. Paulit-ulit kaya nilang pinapanuod yun!

Lumapit ako sa kanila. Humalik ako sa pisngi ni mommy Fay at nag-bless naman ako kay daddy Jay. Then, pabagsak akong naupo sa sofa kaharap nila.

"Amoy babae ka, Skye..." Sabi ni mommy pero nakatingin pa rin sa screen ng t.v. Narinig ko namang tumawa si daddy.

"Binata naman na yang anak mo.."

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon