Chapter 36: The past...

61 2 0
                                    

He's not perfect but he's all i want...

Jann's POV

Inilibot ko ang paningin sa loob ng kuwartong kinalalagyan ko ngayon. Mag-isa lang ako mula pa kaninang dinala nila ako rito. Pilitin ko mang maging komportable sa pagkakahiga sa malambot na kama ngayon ay hindi ko magawa.Naguguluhan na ako sa mga nagyayari. Pilit ko mang isipin ang mga tanong na gumugulo sa isipan ko ngayon ay hindi rin nakakatulong sa akin. Wala akong mahanap na kasagutan. Nakakaramdam ako ng takot pero wala akong magawa kundi ang maghintay na lang gaya ng sabi nila.

Isa lang ang sigurado ako, walang kinalaman ang Thunders sa mga nangyayari na 'to tulad ng una kong hinala. Kamusta na kaya sila? Kamusta na si Skye? Ano na kayang nangyari sa game nila?. Wala man lang ako sa tabi niya para suportahan siya.

Naalala ko ang usapan kanina..

"Ano bang kasalanan ko sa'yo?"

"Ikaw wala pero ang boyfriend mo meron. Malaki!."

"Ano 'to? Dahil gusto ninyong manalo ang Thunders kaya dinukot n'yo ako para takutin si Skye at ipatalo niya ang laban nila?!"

"Sabihin na lang natin na makikinabang ang Thunders sa laro na 'to pero labas sila dito.."

"Hindi kita maintindihan.."

"Later my darling.. Sa ngayon, iiwan muna kita at gusto kong makita ang expression ng mukha ni Skye habang naglalaro ng basketball. Gusto kong makita ang reaction niya habang ipinapatalo ang isang bagay na napakahalaga sa kanya.."

Tapos iniwan na niya akong mag-isa sa kuwarto na iyon.

Napabalikwas ako ng bangon nang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang magandang babae. Sopistikada ang dating niya at parang beauty queen ang dating niya. Siya si boss kung tawagin ng dalawang kumag kanina. Siya ang nag-utos ng kaguluhan na ito.

Sa wakas nagbalik na rin siya!

"Hi! How's your staying here in my room? Inalagaan ka ba nila?" Nakangiting sabi niya. Parang ang bait-bait niya pero alam kong may nagtatagong sungay at buntot ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

"Sino ka ba? Bakit ginagawa mo 'to? Ano bang kasalanan ko sa'yo?!"

"Don't worry, hindi naman kita sasaktan, eh. Wala akong balak saktan kayo in the first place.." Naupo siya sa bakanteng upuan. "Sit down and let's have a talk habang wala pa ang sundo mo..."

"Sagutin mo na lang ang mga tanong ko!.."

"You're a little impatient my darling.." Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa, pabalik.. "What so special about you? You're not his type of girl. You're plain and ordinary."

Ouch! Ayos 'tong babae na ito, ah! Sino ba siya sa akala niya? Maganda lang siya.. well, sobrang ganda niya pero wala siyang karapatang laitin ang kagandahan ko!

"Wala ka lang taste kaya nasabi mo yan! Bakit ale, insecure ka sa ganda ko?" Nakapameywang na sabi ko! "Bakit kailangan takutin mo pa ako na hindi ako dapat manuod ng game nina Skye? Selos ka na makita kaming dalawa? Gusto mong solohin si Skye?"

She hardly smiled, then looked coldly... "Mahal mo ba siya?"

"Huh?"

"Skye Saavedra, mahal mo ba siya?"

"Oo, naman!" Taas noong sabi ko. "Bakit? kaya mo ba' to ginagawa para paghiwalayin kaming dalawa?"

"I have my reasons why i did such things to you. Pero hindi ang paghiwalayin kayo. Kung maghihiwalay man kayo, hindi ako ang magiging dahilan nun.."

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon