Chapter 9: Fallin...

356 42 3
                                    

Once you start loving someone, it's hard to stop...

Skye's POV

"Anong nakain niyan?." Narinig kong tanong ni Axel na bagong dating. Nasa gym na kami for our practice game.

"Hindi ko rin alam. Kanina pa yan ganyan eh. Akala ko nga si Blue..." Sagot naman ni Spark na bahagyang hininaan ang boses.

"Baka nga si Blue yan. Nangti-trip lang. Alam mo naman ang kalokohan ng dalawa na yan.." Sabi ni Ryder

"Sabi ko na nga ba si Blue, yan!.. Imposibleng si Skye yan..." Sabi ulit ni Spark..

"Mga siraulo!.." Hindi mapigilang singit ko sa usapan ng tatlo. "Magpractice na nga kayo!..Mahirap ang susunod nating makakalaban. Sila ang defending champion!.."

Nagkatinginan ang tatlo... Inis na binato ko sila ng bola na agad namang naiwasan ng mga ito!

"Ano bang problema niyo?!"

"You're smiling!.." Sagot ni Axel

"Bakit masama bang ngumiti?"

"Well, We are talking about you... Skye Saavedra. Truth is, smiling is not really you!" Tumatawang sabi ni Ryder

"Pwera na lang kung inlove ka.." Sabi ni Spark

"Yes, perhaps he now admitted that he is inlove with whom he used to call "Ms. annoying girl" he just met a month ago.." Nakangiting sabi ni Axel

"Si January, yung kaibigan ni Mandy?.." Tanong ni  Ryder

"Yeah.." Walang alinlangang sagot ni Axel.

Asar!! kung makapag-usap ' tong mga kolokoys na ito, parang wala ako sa tabi nila!

"Im not inlove with her! I just like her...."

"Doon din ang punta nun,bro.." Tinapik ako sa balikat ni Axel. Dinampot nito ang bola. "Welcome to the club.." Tumatawang sabi nito.

"What should i do?.." Wala sa sariling naitanong ko.

Biglang nagtawanan ang mga siraulo! Asar talaga!!!

"Napakarami mo nang naging girlfriend, hindi mo pa rin alam ang gagawin mo?.."  Himig nang-aasar na sabi ni Spark.

"Well, this is the first time na nagkagusto talaga siya sa isang babae. Yung iba kaya niya niligawan kasi may gusto sa kanya, .." Ipinasa sa akin ni Axel ang bola.. "Tama?."

Mali....

Hindi ito yung unang pagkakataon na nagkagusto ako sa isang babae!

Masaklap lang, hindi sinasadyang nakalimutan ko siya...

"The first thing you should do is let her knows your true feelings.." Ani Ryder. Inagaw nito ang hawak kong bola."Lalo na kung may matindi kang karibal, baka maagaw siya sa'yo." May itinuro ito sa bandang likuran ko.

Napatingin ako sa direksyong iyon. Nakita ko si January with her friend.....

Kasama si Blue, carrying her things!

Jann's POV

Papunta na kaming gym ni Fann nang makasalubong namin si Blue. Sumabay na rin ito sa amin. At ang baliw kong kaibigan, ipinadala dito ang mga gamit niya. Ang kapal ng mukha, hindi na nahiya!

"Ikaw, yung mga gamit mo nasaan?.." Tanong nito

"Nasa bulsa..." Marahan kong tinapik ang palda ko.

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon