Chapter 30: Say "I love you...."

189 6 4
                                    

You meet one person, and your whole life changes forever.

Jann's POV

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng mga baliw kong kaibigan. Akalain ninyo iyon, sila pala ang may pakana nang hindi agad paglapit sa akin ni Skye! Tapos may gana pa silang magalit doon sa tao.

"Bakit ninyo nagawa ang bagay na iyon? Paki-explain nga with dance steps!" Naka-pameywang na sabi ko.

Walang sumagot sa mga ito. Pasimpleng nagsisikuhan lang sa tagiliran. Nagtuturuan kung sino ang sasagot sa tanong ko.

"Oh, bakit ayaw ninyong magsalita?! Gusto ninyong magsulian na tayo ng kandila?" Nakataas ang kilay na sabi ko.

"Wala naman tayong kandilang isusuli, eh.." Reklamo ni Mandy. Pinandilatan ko siya ng mata. Napanguso na lang siya.

Tumayo naman si Sabine at umakbay sa akin. "Relax ka lang, Friend! Worth it naman iyong ginawa namin diba? Napatunayan nating mahalaga ka talaga sa kanya kahit alam naman nating nakalimutan na niya ang feelings niya for you."

"Oo, nga! " Biglang sabi ni Mandy. Kita mo 'tong babae na ito. Bigla na namang sasali sa usapan!.. "Kung hindi namin ginawa iyon, malamang nauna ka nang magtext kay Skye at nagmakaawa!"

Magmakaawa talaga?! Siraulo 'tong babae na 'to, ah!

"Sana, sinabi ninyo man lang nang hindi ako nag-isip ng kung anu-ano..."

"Eh, di nawala ang thrill?" Sabi ni Fann. "At least,  kahit papaano alam mo na yung pakiramdam kung sakaling dumating iyong time na sabihin niya sa'yo; Sorry, Jann. Hindi talaga kita minahal..." Pinalaki pa nito ang boses at pilit ginagaya si Skye. Agad ko siyang binato ng unan na nadampot ko. Sapul sa mukha!

"Aray, naman!" Reklamo nito.

"Friend, sa situation mo ngayon, ang pinaka the best na gawin mo ay huwag kang umasa.... O, sige sabihin nating minahal ka niya pero nakalimutan na niya ang bagay na yun." Napatingin ako kay Sabine.

"Babalik din ang mga iyon.. maaalala niya ring ako ang babaeng minamahal niya.."

"What if, maging isang ala-ala na lang iyon. Bumalik man ang mga ala-ala niya pero hindi ka na niya talaga mahal...Kakayanin mo ba?"

Napansin kong biglang nag-iba ang tinig ni Sabine. Parang iiyak pa nga.

"Habang kaya mo pa, simulan mo nang pag-aralang kalimutan siya. I tell you, pag hindi mo ginawa yun, ikaw rin ang masasaktan sa bandang huli.." Tinalikuran ako ni Sabine pero hindi nakalagpas sa paningin ko ang pagluha niya...

"Anong nangyari dun?"

"Lagot ka pinaiyak mo!!" Sabi ni Mandy. Tumakbo kaming tatlo pasunod kay Sabine pero nakasarado na ang pinto ng kuwarto kung saan pumasok siya..

Nagkatinginan na lang kaming tatlo.

Skye's POV

Katatapos ko lang makipag-kwentuhan kay Dr. Greg. Marami siyang tanong about sa mga naaalala ko at sa mga bagay na nakalimutan ko. And I undergo another test just to check if there are damages to some areas of my brain that affects my memory.

Naglalakad na ako sa hallway nang makasalubong ko si Yoej. Nagulat pa nga siya nang batiin ko.

"Bakit hindi mo kasama si Blue? Alam naman niyang ngayon ang check-up mo."

"Kaya ko naman nang mag-isa eh. Masyado na akong nakakaabala kung magpapasama pa ako sa kanya."

"Tinakasan mo si Blue?"

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon