Chapter 14: Take my hand....

358 33 4
                                    

Me and You. Forever, please?

Jann's POV

Araw ng Sabado, busy ang buong Barrio para sa celebration ng birthday nila mama at tita. Dapat bukas pa iyon pero pinaaga na lang para hindi ako mahirapang bumiyahe pabalik ng Maynila bukas ng hapon.

Paano ko ba sisimulan ang sasabihin ko kay mama?

"Goodmorning, Enero!.." Nilapitan ako ni Erros. Ang lalakeng hindi nawawalan ng ngiti sa mga labi!.. Lumapit ito kay mama at humalik sa pisngi. "Goodmorning, Tita.."

Nasa bahay nila kami ngayon. Dito kami mag-almusal... Makahanap kaya ako ng tiyempo?

"Where's, Tita?"...

"Nasa kitchen, busy magluto ng mga fave foods mo.."

"Talaga?!.." Namilog ang mga mata ko at umiiral ang aking katakawan!

"Diyan muna kayo at tutulungan ko si Madel sa pagluluto..." Sabi ni mama. Dumeretso na ito sa kusina. Nagpunta naman kami sa garden nila Erros pagkatapos kung nagpakita kay Tita Madel.

"Ano ng plano?"..Tanong ko pagka-upong pagka-upo ko.

"Relax! ako nang bahala..." Sabi nito na busy kakatext sa kung sino man!

"Sabihin mo na sa akin!"

"Huwag na!.. mas magandang wala kang alam. May kadaldalan ka kasi eh!"

Inis na sinipa ko 'to sa binti!

"Aray naman!"

"Siguraduhin mo lang na may plano ka ah!"

"Trust me!"

Inirapan ko to.

Nagsimula ang almusal. Kwentuhan. Tawanan. Balitaan...

"Nga pala. Huwag na kayong maglakwatsang dalawa. Bukas niyo na lang gawin kung may balak kayo.Darating mamaya yung pinagawa naming damit na susuutin niyo para mamaya.." Sabi ni Tita Madel.

Muntik na akong masamid pero napigilan ko lang. "Hindi na po sana kayo nagpagawa pa. Ang dami ko pa pong bagong damit diyan na hindi pa nagagamit..."Napatingin ako kay Erros na pasimple pa ring nagtetext sa ilalim ng table.. Muli ko itong sinipa!. Maang itong napatingin sa akin. "May sinasabi si tita..."

"Narinig ko. Don't worry mommy, wala kaming balak maglakwatsa ni Enero ngayon. Dito lang kami, magbu-beauty rest para sa party niyo mamaya..." Nakangiting sabi nito.

"Tama!... espesyal ang araw na ito para sa ating lahat. Especially, for the both of you...Isipin mo na lang na gift ko sa'yo yung dress na yun, Iha.." Nakangiting sabi ni Tita Madel...

May idea na ako kung anong ibig sabihin ni tita.... Whoa, ano bang gagawin ko!!!!

"S-salamat po sa napaka-agang birthday gift..."

Muli akong napatingin kay Erros pero abala na naman ito sa pagtetext!..Minsan, nakakaasar din ang isang ito eh!

"Sino ba yang kanina mo pa katext?... girlfriend mo ba yan?" Tanong ko nang naghuhugas na kami ng plato.. este ako lang pala, dahil yung dapat katulong ko, eh prenteng nakasandal sa lababo at abalang magtext!

"No. Just a newly found friend.."

Winisikan ko ito ng tubig...

"Kailan mo ako balak ipakilala sa girlfriend mo?"

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon