Chapter 8: Take a chance...

365 42 3
                                    

Being in love means being yourself. So when you find someone who accepts and appreciates you for who and what you are, never let them go...

Jann's POV

Madilim na nang matapos ang practice namin sa choir. Grabeee paguran talaga! Mabuti na lang talaga at full charged ako ngayon.

Basta maiisip ko si Skye at yung "date" namin... bigla na lang nawawala ang pagod ko! hahaha

Pero wait a minute, kapeng mainit... May unfinished business pa pala ako na dapat tapusin na.

Hinanap ko si Blue.Tama namang papalapit siya sa akin. Us usual, nakangiti na naman siya. Parang ewan lang, noh? lagi na lang siyang nakangiti sa akin... sa iba naman, hindi masydo. Sabi nga ni Mandy, may pagka-snob nga rin daw siya eh.

Pero tingin ko hindi naman...

Speaking of  Mandy, ayun siya oh, kumakaway papalayo. Alam na niya ang dapat niyang gawin. Matalino talaga!

"Kapagod. Mas nakakapagod pa sa practice ng basketball yung ginawa natin ah..." Sabi ni Blue nang makalapit.

Tama nga naman siya. Para kaming mga baliw kanina. Nagkaroon kami ng acting workshop. Pinakanta sa amin ang "Leron-Leron..." gamit ang ibat-ibang emosyon. Tapos may dance rehearsal pa.

"Mag-usap tayo, Blue..." The last time na sinabi kong mag-usap kami ay wala ring nangyari. Dinala lang nito sa kung saan-saan ang usapan.

"Sure.." Nagpunta kami sa Freedom Park sa school. Dahil Sabado, wala ng tao sa ganung oras. Pagka-upo namin, nagulat ako nang marahan niyang ilagay sa noo ko ang kanyang hintuturo. Then he closed his eyes. Nababaliw na yata... "I know what you want to say, but i don't want to hear it now, January..."

Lumayo siya sa akin. Umupo siya sa kabilang dulo ng upuan.

Hala!!

"Uy, Blue!.." Tawag pansin ko sa kanya.

"Pwedeng humingi ng pabor...?" tanong nito..

"Ano...?"

"H'wag muna ngayon...." Nakangiting sabi nito. Pero tingin ko hindi naman siya nakangiti..... "Alam ko na kung ano ang sasabihin mo, kaya lang hindi pa ako handang marinig. Let's stay like what we have right now..."

"Pero kailangan mong marinig..."

"...not until Skye tell you what he really feels for you "

"Hindi niya ako gusto.... yun ang totoong nararamdaman niya sa akin. Ako lang naman yung makulit na lapit nang lapit sa kanya eh."

"I know him so well... remember, I'm his twin brother. We have that special thread that connects us... Nalalaman ko kung ano yung nararamdaman niya kahit hindi niya sabihin sa akin. I think he likes you as much as i do.."

Napanguso ako....

Sana nga...

"Pero Blue...."

"Trust me..." Lumapit na ito sa akin... "Hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa'yo. The first time that we met, alam ko na agad na si Skye ang gusto mo. Remember nang mabunggo kita?.. The way you looked at me that time... It was something that your eyes telling me that I was just someone who were looked like of someone you love.."

Natigilan ako...

"But i like the feeling being with you.. Kaya please, hayaan mo muna akong laging malapit sa' yo. Kaya kong magpanggap hangga't hindi ko naririnig sa mga labi mo ang dapat kong marinig... Even just for a while, hanggang hindi niya nare-realize na mahal ka niya. Tutulungan kita sa bagay na yan..."

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon