Chapter One: So it's you...

1.7K 62 14
                                    

COPYRIGHT All rights reserved. Do not dare to copy my story - ginebragirl

If someone is right for you, you'll know it...

Jann's POV

Hello! I'm January Airene Santillan, Jann for short...

Lumuwas ako galing probinsiya para hanapin ang lalakeng nakatakda para sa akin. Choz!!!

(n_n)

anyways....

Hindi ko talaga akalain na makakapasa ako sa entrance exam sa Kings University. Hirap kaya!!! dumugo ang utak ko dun! Mabuti na lang at napakabait kong bata kaya pinagpapala ako ni God!

Marahil ay kapalaran ko talaga na dito ako makakapasok gaya ng nakasulat sa horoscope ko.

Today is your lucky day!

kitam!

Ang Kings University ay isa sa pinakasikat na unibersidad sa Pilipinas. Dito nag-aaral ang iba't-ibang uri ng tao sa lipunan...

mayaman

mahirap

may kaya sa buhay

artista

feeling artista

pulitiko

mga namumulitiko

datu

timawa

alipin

aliping namamahay

aliping sagigilid

hahaha! in short, kahit sino pwede basta gustong mag-aral (*!*)

bawal ang tamad!

All students are required to join in any club they want; sports club, choral group, dramatics, dance troupe, Math club,Science, English... etc!

Pwede ka ring mag-work inside the school for your extra income.

oh, life! who says life is easy? maybe it isn't pero kung gugustuhin mo lang, magagawa mo naman! just enjoy it!

maging baliw

have an inspiration

be an inspiration

be inlove

beloved in return

hmmm... ang lalim ng sinabi ko, epekto lang po ng climate change.

Huminga ako nang malalim.

After kong makuha ang result ng test ay pinapupunta naman ako Guidance Office for the final interview. Sabi ng mga nakausap ko sa mahabang pila, pag-isipan ko na raw kung saan akong club sasali.

hmmm... saan nga ba?

napaka-talentado ko pa namang tao! as in! o_o"

Narinig kong tinawag ang unique kong pangalan. Bakit unique eh kasi ba naman po, pangalanan daw ba akong January eh February ang birthday ko!..kakaiba diba?

Nag-iisa na lang akong naka-upo sa upuan na yun at lahat ng mga estudyanteng lumalabas sa pintuang papasukan ko ay may hawak-hawak na index card, iba-iba nga lang ang kulay. Ang card daw na iyon ay para sa club na sasalihan ng mga estudyante.

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon