Chapter Two: Last Two Minutes...

532 49 9
                                    

Sometimes, the more you hide your feelings for someone, the more you fall for them...

Jann's POV

"Goodmorning, Philippines!.." masayang bati ko sa aking mga kasamahan sa dorm. It has been a month since I started schooling here in Kings University. Sa umpisa ay medyo nahirapan ako, pero unti-unti ko na ring naksanayan ang bagong buhay ko.

"dinalaw ka na naman ni Skye sa panaginip mo,noh?.." ani Sabine. I met her on the same day when I first met Skye. Ito rin ang ka-share ko ng room at itinuturing kong bestfriend kahit na nga totally opposite ang aming mga ugali. She's also a member of a dance troupe...

"tama!.." tumabi ako ng upo dito. "at alam mo bang hinalikan niya ako sa lips!!!.." kinikilig na sabi ko na may kasama pang hampas sa balikat nito.

"aysus! kailan naman kaya mangyayari yan in reality?.." tanong naman ni Mandy. Kasama ko naman ito sa Angels Voices Choral Group.

Speaking of, hindi ko talaga akalaing makakasali ako sa group na iyon. Never ngang sumagi sa isip ko na mag-audition sa choir. Basta ang alam ko lang nang tanungin ako ni Ma'am Estrada kung aling club ang sasalihan ko...

ang sagot ko... "yung sa blue index card po.." naalala ko kasi yung hawak ni Skye. Gusto ko siyang makasama dun!..

yun pala... judge lang si Skye dun. Wala na. Hindi na ako makaatras. Nagkasubuan na...

Sa dami ng magagaling na nag-audition, isa ako sa masuwerteng napili!.. Ang pagkakapasok ko sa club ay naging bulung-bulungan sa loob ng campus. At bakit nga naman hindi?.. eh si Skye Saavedra mismo ang pumili sa akin!..

Naalala ko yung tanong niya..." have we met before?"

Kilig much!!!

but honestly, pareho kami nang iniisip eh... parang dati ko na siyang nakilala.

kapalaran?

tadhana?

Pweeeeeeeeede!!!

Between me and Demi who has Regine's voice... ako ang pinili ni Skye na nagpataas ng kilay ng lahat ng naroroon sa stadium.Ilang beses pa itong tinanong ng mga kasama nitong judges, but his answer was final!...

siguro nainlove din siya sa boses ko!...o_o"

"malabong mangyari yun, Mandy..." anang papalapit na si Fann. Nakapaligo na ito at ready nang pumasok. Ito ang laging nauunang gumising sa kanilang lahat pero madalas pa rin itong makasabay ni Sabine sa pagpasok.

Binato ko ito ng plastic na prutas. Nakangiti lang nitong sinalo iyon.

"h'wag ka nang umasa, Jann. Hindi ikaw ang tipo ni Skye.." patuloy na sabi nito.

"alam mo panira ka ng moment, Fann..." inirapan ko ito

"sinasabi ko lang ang totoo..."

"maganda naman ako at sexy, ah!.." protesta ko

"sa level natin Oo, pero sa level nila...HINDI!!.." tumatawang sabi ni Sabine

"kinulang ka sa height..." sabat sa usapan ni Fairy

"at hindi ka maputi..." tumatawang sabi ni Fann. "Ganu'ng tipo ng mga babae ang nagugustuhan ni Skye."

lalong lumakas ang tawanan ng mga ito..

"Ayaw mo talagang sumuko?.." tanong ni Mandy

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon