Chapter 18: Corn and Cheese......

268 31 6
                                    

I love you! You annoy me more than I ever thought possible. But,.... I want to spend every irritating minute with you..

Jann's POV

"Ano 'to?..." Tanong ko kay Skye nang iabot niya sa akin ang puting papel. May nakasulat doon. In fairness, ganda ng sulat niya.

Kasalukuyan kaming nasa mini-grotto ngayon. Nakasalampak lang kami nang upo sa may bermuda grass at nakasandal sa batong upuan. Ito na ang naging meeting place naming dalawa. Dito na rin kami madalas maglagi tuwing may time kami at hindi busy. Next week na kasi ang foundation ng school kaya halos wala na kaming oras sa isa't isa.

"List of things to do after this busy sched of us...." Inihilig nito ang ulo sa balikat ko. Katatapos lang ng game nila versus Shines University, kapitbahay lang ng Kings University. Siyempre panalo ang mga Knights noh!

Ramdam ko ang pagod niya. Sa loob ng linggong ito eh naka-dalawang game din sila kaya puspusan ang practice talaga. Next week ay may tatlong game din sila kaya halos yung buong 3-day celebration ng school eh hindi ko rin siya makakasama.... Awts!!

"Things to do?.." Pinasadahan ko nang tingin ang nakasulat sa papel. "Number one on the list, let's get to know each other more.."

Muli itong may iniabot sa aking puting papel... "Sagutan mo yan, ha. Basahin mo na rin yung nakasulat sa likod.." Parang slambook lang ah!... Tiningnan ko ang nakasulat sa likod... Things that I don't like most!... Whoa, ang dami naman niyang ayaw!

"Kailangan pa ba ito?..."

"Oo, kailangan yan. Huwag mong kalimutang isulat yung mga weird things na ginagawa mo ah!.Para sa susunod hindi na ako mabibigla at alam ko na ang gagawin ko. Nang hindi ko na tatawagan si Mr. Asungot!."

Ha! ha! Mr. Asungot talaga ang tawag niya kay Erros!

"Malakas akong umutot!..." Pigil-tawang sabi ko sa kanya

"Gross!.." Naka-ngiwing sabi nito. Napahalak-hak tuloy ako!.."Gusto mo sabihin ko na sa'yo ngayon?.Marami akong weird na ugali.."

"Isulat mo dapat. Makakalimutan ko rin yun...Madali akong makalimot.."

"Ibig sabihin, makakalimutan mo din ako?.."

Napaderetso ito nang upo... "Never!...at kung dumating man yung araw na yun, iuntog mo ang ulo ko sa pader o kaya ay sampalin mo ako para matauhan ako..."

"Sinabi mo yan, ah! Dapat pala, gumawa ako nang kasulatan para mapirmahan mo..." Nakangiting sabi ko. Nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa labi ko! Smack lang yun pero natulala na naman ako!...

"There, I signed it!.." Nakakaloko ang ngiti nito.. "Pirma ka na rin..." Pinatulis nito ang nguso...

Hinampas ko siya sa balikat..."Puro ka talaga kalokohan!"

Tumawa ito... "Just kiss me..If ever that time comes.." Muli itong humilig sa balikat ko.

Muli kong pinasadahan nang tingin ang mga nakalista sa papel. Excited na ako para doon!...

Foundation Day!!!!!!!!!

Dumating na rin ang araw na pinakahihintay ng mga estudyante ng Kings University! Nagmistulang isang malaking carnival ang aming paaralan. Mula sa gate palang ay may banderitas na hanggang sa kasulok-sulukan ata ng campus ay meron eh!

Busy ang lahat ng estudyante at halatang lahat ay excited para sa pinakahihintay na araw. Napakaraming booths ang makikita na gawa ng bawat department. Even clubs have their own booth. Katunayan, kasalukuyan kong naririnig ang boses ni Blue na naririnig din sa buong campus. By REQUEST BOOTH ang naisipang gawin ng choral group kung saan pwede kang mag-message at magde-dicate ng song sa taong gusto mo o sa mga kaibigan mo! Oh, di ba sosyal lang! At para siguradong kikita ang booth namin eh, si Blue ang ginawa naming DJ....

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon