Chapter 15: The promise....

302 33 1
                                    

Maybe I'm too late to be your first. But right now, I'm preparing myself to be your last

Flashback....

Nilapitan ko si Tita Ana. Kanina ko pa siya hinahanap, dito ko lang pala siya makikita sa basement. Pareho sila ni Enero, kung saan-saan lumulusot kapag may problema!

Pasimple itong nagpahid ng luha....

Pangalawang ina na rin ang turing ko sa kanya. Isa siya sa mga nag-alaga sa akin sa mga panahong busy si mommy sa work. Sabay niya kaming inaasikaso ni Jann. Inaalagaan tuwing may sakit ako. Tagapagtanggol ko tuwing may nang-aaway sa amin ni Jann. Siya rin ang tumulong kay mommy noong mga panahong iniwan na kami ni Daddy.

Ang pagmamahal ko sa kanya ay halos kapareho na rin ng pagmamahal ko kay mommy...

"Okay na po si Enero, tita. Tumigil na siya sa kakaiyak. Grabe talaga makaiyak ang isang yun!.." Umupo ako sa tabi niya.

"Ikaw lang naman ang nakakapagpatahan sa kanya eh. Salamat sa pagtitiyaga mo sa katigasan ng ulo niya.."

"Habang buhay ko pong pagtitiyagaan ang ugali niya..."

"Salamat sa pagmamahal mo sa kanya. Kampante ako na kahit masaktan siya, nandiyan ka naman para umalalay sa kanya.."

Take me to your heart...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon