A week ago.
Nauna nang bumangon si Yuki bago pa man tumunog ang alarm nito. Una niyang nakita ang paa ni Jamie na nakapatong sa kaniya nang idilat ang mga mata.
"JAMIE!" sigaw niya't pinaghahampas ang isa ng malaki niyang unan.
"Hmm?"
"Hindi ka pa umuuwi?"
"I needed rest, too... Sinabi ko sa'yo na dumiretso ako rito agad pagtapos ng shift ko, diba? Don't mind me. Ang sabi mo, may pupuntahan ka pa ulit. Just go away."
"'Go away'?" pataas ang tono ng tanong ni Yuki. "Kwarto ko 'to. Bahay ko 'to."
Muli niyang hinampas si Jamie na noo'y wala ng pakialam sa kaniya. Iniwan niya itong natutulog at kinalampag pa ang pinto nang makalabas siya.
Sa kusina ang tungo ni Yuki para uminom muna ng tubig. Naroon din si Hakim na tila kanina pa siya hinihintay. Lumakad siya't naupo sa harap ng tito niya.
"So... do you have the energy now? I mean, to nag at me for leaving without a notice."
"I know you've always been the type to worry people, so I wouldn't ask why you suddenly disappeared. Alam kong sa'yo manggagaling lahat kapag gusto mong ipaalam sa iba."
Yumuko lamang si Yuki, bagay na lalong nagpakumbinsi kay Hakim na may itinatago ito sa kanila.
"But this is more serious than I think, isn't it?" Lumiyad paharap si Hakim, nakasandal ang dalawang braso sa mesa. "Dahil imbis na sa ospital ka pumunta, nagpakalayo-layo ka."
"Tito..." Ipinakita ni Yuki ang sugat sa kamay. "Gusto mo rin bang malaman kung saan ko talaga nakuha 'to?"
"Ilang taon na ang lumipas. Hindi na ako ganoong interesado."
"Five years ago. When you allowed me to leave the hospital with mom and dad."
"Yes. They brought you to the theater. When your dad brought you back in the hospital, you were in a critical condition. Your wrist was also bleeding, covered with a handkerchief. Wala kang pinagsabihan kung saan mo nakuha 'yon... kahit mga magulang mo."
"Something happened in Silver Dust. I found out something that hurt me. So I left and tried isolating myself again from everyone. I wanted peace. But then, strangely, I was reminded of that accident while I was away."
"Ngayong sinabi mo 'yan... bumalik na ang pagtataka ko. Yuki. Maliban sa alam naming nangyari noong nakaraang limang taon, anong totoo sa likod ng sugat na 'yan? Ano ring nangyari sa'yo sa SD?"
"Later. Sasabihin ko lahat sa susunod. Just... give me some time. Nga pala, may kailangan lang akong puntahan ngayon. Babalik din ako agad."
- - -
"Miss Lianne. Yuki's here to see you. Should I let her in?"
Umangat ang kilay ni Lianne sa narinig mula sa sekretarya. Matapos si Aciel at Hanz noong mga lumipas na araw, si Yuki naman ang haharap sa kaniya. Para bang binabalikan na siya ng karma, at lahat ng taong ayaw niyang makita, kusang dinala ng mga paa nila papunta sa kaniya.
"Papasukin mo siya."
Hindi na hinintay ni Yuki na balikan siya ng sekretarya ni Lianne. Pumasok na agad siya nang marinig ang sinabi ng huli.
"You were gone for more than a week... Are you back for good? To claim your role again?"
Nanatili silang nakatayo pareho, nagpapalitan ng masasamang tingin.
"Let Anna compete with me for the lead role," sagot ni Yuki.
"Compete... with you?"
"Why? I'm way out of her league for me to compete with her. I'm only giving her a chance to prove herself to me and everyone. That's fair enough, right?"
"Mas mataas pa ang tingin mo sa sarili mo kaysa sa inasahan ko. Okay then. I'll allow it."
"That easily? Alam kong may kapalit kang hihingiin."
"Nothing. I'm not so much of a villain than you think."
Hindi maintindihan ni Yuki kung tatawanan ba niya ang tila biro ni Lianne, o maniniwala na lang siya sa kaniya.
"You're a very difficult person. I just can't read you," banas na tugon ni Yuki.
"I know." Gumanti ng mapang-asar na ngiti si Lianne. "'Wag ka munang magpakita sa kanila ngayon."
"Ano?"
"Come back next week. Not as Yuki... but as Lenora. The real Lenora."
* * *
YOU ARE READING
See You Tomorrow, Yuki (EDITING)
RomanceA healing romance between Yuki, a long-term patient known to be rude and cold-hearted, and a physical therapist called Aciel. Seeing through Yuki's inner self, Aciel tries to befriend her. Yuki who's devoid of emotions now learns it all through him...