EIGHTEEN

15 8 0
                                    

Si Aciel na kinabahan sa biglaang plano ni Yuki na dalawin si Hanz, nagtungo sa Silver Dust sa kabila ng ka-busy-han nito. Dumiretso siya sa theater hall. Naroon na rin sina Yuki at marami pang iba.



"If you lose... leave at your own accord," banta ni Anna nang lapitan nito si Yuki.



Agad na hinatak palayo ni Gail si Yuki. Sinundan sila ng tingin ni Aciel na noon ay nakaupo na sa pinakalikuran.




"Ano sa tingin mong ginagawa mo? I know you'd definitely win this. But what? I'm to be your understudy?" hindi pa rin nagsi-sink in kay Gail lahat.



"Kabisado mo ang mga linya dahil feeling mo ikaw ang bida noon pa. At alam mo kung anong istorya ni Lenora. Wala akong nakikitang problema sa naging desisyon ko."



"Hey. I've a decade of experience. Of course, I know I'd do great as a lead actress," taas-kilay na tugon ni Gail na tinawanan ni Yuki. "What I mean is... why would you still need an understudy? Kung ikaw naman ang haharap sa lahat sa araw na 'yun. Duda rin naman akong papalya ka kahit ilang ulit mo 'to ipeperform ngayong taon."



"19 in total," patanong ang tono ni Yuki. "Hindi tayo sigsurado." She put her hands behind. "I just gave you a promotion. Magpasalamat ka na lang."



"Ano? Bigyan mo ako ng maayos na sagot. Ano talagang balak mo? You're not the type to do things like this. Hindi ka mamimigay ng kahit kaunting pagkakataon na maagaw ng iba ang kung anong sa'yo."



"Gail. Why take the detour... when I made a shortcut to your dream? Don't wait for another ten years. The moment I win, things will work for you. You just get it together and follow me."



"Kung gampanan ko si Lenora sa mga araw na hindi ka pwede, sinong gaganap sa supporting role?"



"They can always find one. Isa pa... mahaba pa ang panahon bago ang performance."



"Ano na namang sinasabi mo? Isang linggo na lang."



- - -



Anna decided to dress herself brighter than Yuki. Mukha siyang anghel sa puting dress na suot na abot hanggang sa kaniyang kalong. Buong pagkanta't masiglang pagsayaw nito, hindi naalis ang ngiti niya. Tulad ng kung paanong hanggang sa huling hininga... may saya sa mukha ni Lenora.



Sinubukang tawagan ni Aciel si Yuki na wala pa ring alam na naroon din siya. Hindi naman siya masagot ng huli dahil nakapatay ang telepono nito.



"Anna. You picked the brightest scene in the musical. May partikular ka bang dahilan kung bakit?"



"Because I'm portraying Lenora, sir."



Narito ang investors, at ilan pa sa mga taong bumubuo ng Silver Dust. Kasama na rito si Luke, ang presidente ng kumpanya na siya ring nagtanong kay Anna.



"Lenora... was a free-spirited woman. No matter what came her way, she always smiled. Even in the coronation day of Prince Timothy as the King... she showed the most sincere smile among others. And from the start of her illness until she died... she never lost that smile."



Amining kinakabahan din naman si Yuki. Matagal na niyang alam na maliban kay Gail, si Anna lang ang pwedeng maging kapalit niya.



"Does smiling mean you're happy?" pataray na tanong pa ni Yuki.



Natanaw niya si Aciel nang sa wakas ay tumayo siya. Nginitian siya ni Aciel, bagay na nagpalakas ng loob niya. Malimit na ngumiti si Yuki sa harap ng lahat habang nasa entablado siya. Kasunod nito'y hinubad niya ang suot sa paa at itinabi 'yun sa gilid.



See You Tomorrow, Yuki (EDITING)Where stories live. Discover now