TWENTY-TWO

21 8 0
                                    

"Aciel... anong pangalan ng mom mo?"



Nakasandal noon ang ulo ni Yuki sa balikat ni Aciel. Nakaupo silang dalawa sa likuran ng kotse, sabay na pinagmamasdan ang madilim na kalangitan.



"She's the wife of your company's president. Tinatanong mo ba dahil hindi mo talaga alam?"



"Your birth mother... is it okay for me to know her name?"



Inangat ni Yuki ang ulo saka tumingin kay Aciel. Puno ng pagtataka ang mukha ng huli, habang malimit namang nakangiti si Yuki.



"How did you..."



"Ms. Lianne told me the truth about your relationship with her. Lahat... maliban sa pangalan ng totoo mong nanay."



~ ~ ~



Hours earlier, after the meeting.



"Yuki," mahinang pagtawag ni Lianne sa dalaga.



Sinenyasan niya si Yuki na sumama sa kaniyang opisina. Sinigurado niyang sila lamang dalawa ang naroon sa loob, habang nasa labas naman ang sekretarya niya.



"You got fired... Are you okay with that? Your plan of ruining me backfired, and now you just lost everything," Yuki stated with her head down.



"Tumingin ka sa'kin nang diretso," utos ni Lianne na agad sinunod ni Yuki. "I'm sorry. I finally got to say that to you. Ah... about Anna and Dean. Ako na rin ang hihingi ng tawad para sa kanila."



"I will make them apologize to me, so I'm only accepting your apology for now. Gaya ng sinabi mo kanina, ikaw ang nasa likod ng lahat, pero hindi sila inosente sa mga nangyari."



"Don't hate them too much. Tulad mo, biktima ko rin sila. Tulad mo... meron silang pangarap at pamilya. Alam kong naiintindihan mo kung anong sinasabi ko."



"I know..."



"It'll be shameful of me to ask A&H to let Anna and Dean work for them. So I'm recommending the two to the other theaters."



"Hindi ko naman tinanong..."



Nang subukang yumuko ulit ni Yuki, humawak si Lianne sa baba niya at inangat ang ulo ng dalaga, patingin muli sa kaniya.



"But there's something I really want to ask. Yuki... do you like him?" Nngumiti siya. "Aciel."



"Hmm? W-what are you talking about?"



"Nakita kayo ng secretary ko kanina. She said you looked lovely together."



Magalaw ang mga mata ni Yuki, tanda na hindi pa siya handang ipaalam kay Lianne ang lahat. Bumuka ang bibig niya, ngunit naunang nagsalita si Lianne. Ikinuwento nito ang totoo kay Yuki, bagay na hindi niya alam kung paano tatanggapin at uunawain lahat.



"You're saying... na hindi ikaw ang nanay niya?"



"Kung may relasyon ka man kay Aciel na higit pa sa magkaibigan, I know this is shameless of me to ask... but that child is scared of everything. I'm not asking you to change him or to give your all and make life easier for him. Samahan mo lang siya... hanggang sa tingin mo'y kaya na niya. Then he will treat you a hundred times better."



"Miss Lianne..."



"Tama ka nang narinig. Hindi ako ang totoong nanay niya. But I know that much about him. Believe me."



See You Tomorrow, Yuki (EDITING)Where stories live. Discover now