EPILOGUE: YUKI

14 9 0
                                    

So much has changed. By so much, I mean to say everything.



'Yung musical na pinag-alayan ko ng lahat-lahat ng meron ako, hindi na matutuloy. The economy of Silver Dust and A&H are also not looking good. The only practical choice left was to leave the industry... and that's what I did. Nagsawa na akong magpanggap na hindi ako naaapektuhan sa mga nababasa, napapanood, at napakikinggan ko nitong mga nagdaang araw.



[Pres. Luke: Yuki, hindi ko pa rin tinatanggap ang resignation letter mo. Kaya kung magbago ang isip mo, ipaalam mo lang sa'kin agad.]



[Nanay: Yuki, gusto mo bang dalawin ulit kita?]



[Tito: Nakalipat na ako. Make sure to visit me soon.]



[Mean Gail: If your resigning is what will make me the lead, I don't want it. Come back, Yuki. This will all pass. Hang in there and let's meet again.]



Tama. Lilipas ang panahon at titigil ang mga usap-usapan tungkol sa'min. Makakalimutan ng mga tao na nangyari lahat ng 'to. Magpapatuloy sila sa sariling mga buhay. Pero ako...



I feel like my time has completely stopped. Their words and actions have pained me, and even if I learn to forgive, that won't change. I lost confidence, and my dream doesn't make me happy anymore. It seems that any moment from now, I'll even forget that I once had something I wanted to do for myself. That once, I braved this exhausting life.



"Ano pong pangalan ang ilalagay ko?" tanong ng cashier.



Ang welcoming ng boses niya sa tanong na 'yun. Nakayuko ako sa harap niya, at natatakpan din naman ng sumbrero ang mukha ko.



"'Yuki'," mahina kong sagot. Saying my name now even feels like a grave sin.



"Ah... It'll be ready in 5 minutes po."



Napangiti ako sa biglang pagbago ng tono ng pananalita niya. Sa inis, tinanggal ko na ang sumbrero ko, diniretso ang mga balikat, at inangat ang ulo. I've been humiliated anyway. What's there to be ashamed about?



"Yuki..? Hindi ba siya 'yun?"



"Siya 'yun..."



Mabilis kong isinuot ang air pods at sinagad ang volume ng music na pinakikinggan ko. Matiyaga kong hinintay ang coffee na in-order ko, at sa wakas ay nakuha ko na.



[Jamie: Nasaan ka na naman? Kalilipat mo lang at marami pa tayong dapat asikasuhin dito sa bahay. 'Wag na natin paabutin ng 2022 'tong mga kalat, okay? Haha!]



Pinunta ko sa camera ang phone. Kumuha ako ng ilang litrato ng sarili ko habang hawak ang cup ng mainit na kape. I sent them all to her.



[At a book cafe...]



[Jamie: Okay! Get back home safely. Or if you need me to pick you up, tell me right away.]



Hinubad ko na rin ang hoodie na suot nang maramdaman ko na ang init. Ang presko na sa pakiramdam na t-shirt na lang ang suot. Higit sa lahat, hindi na ako mukhang nagtatago.



Napalingon ako sa gawing likuran nang makarinig ng ingay. I saw this man carrying a building of books. He dropped some of it and I decided to help.



"Ako na po, ma'am—"



Agad siyang natahimik nang mahawakan ko na ang isa sa mga libro. Nang mabasa ang titulo ay tinignan ko ang iba pa. Pare-pareho.



See You Tomorrow, Yuki (EDITING)Where stories live. Discover now