TWENTY-ONE

28 7 0
                                    

"Doc... nakita ni'yo na po ba 'to?"



Inabot ni Jamie ang phone niya kay Hakim. Binasa ng huli ang nilalamang mga aritkulo nito. Wala siyang naging mabigat na reaksyon, bagay na ipinagtaka ni Jamie. Sandaling napuno ng katahimikan ang opisina ni Hakim.



"Hindi po ba kayo nagagalit o nagtatampo kay Yuki? Kasi ako po, aaminin ko pong pakiramdam ko, minsan, walang tiwala si Yuki sa atin. No. Most of the time, she keeps us in the dark... and we end up finding out about everything from the news or from someone else."



"Please understand. May mga bagay rin naman siyang ipinaaalam sa'yo kaysa sa'kin. Pero iniintindi ko at naghihintay ako. Nangako si Yuki... na sasabihin niya lahat sa'kin sa susunod. Araw man 'yun, buwan, o kahit ilang taon. She will keep her promise. You know her. We do."



May ngiting inabot ni Hakim pabalik kay Jamie ang phone niya. Napayuko sa hiya ang huli, at agad na humingi ng paumanhin.



"Pasensya na po kayo, Doc."



"It's okay."



"Ano po kayang mangyayari kay Yuki? Alam po natin kung anong hirap ang inabot niya para sa musical na 'yun. But in snap of a finger..."



"It's only been two years... I hope her dream doesn't end too soon..."



- - -



"Psst, 305. Pamangkin mo 'yan, tama?"



Gulat pa rin si Thea sa mga napanood na balita. Tahimik siyang nakasandal lamang sa gilid. Bukas ang tainga niya para sa balita at tanong ng mga kasamahan, habang ang mata ay nakatuon sa iniingatang ticket na ibinigay ni Hakim noong bumisita siya.



"Hmm. Isn't she beautiful? She looks prettier in person."



"Tignan mo 'to... Minsan ka na nga lang magsalita, ini-Ingles mo pa kami."



"'Wag mo kasi siyang guluhin. Mukha bang gusto ka niyang makausap? Ikaw rin, eh."



Nakakapit ang mga kamay ng mga kasamahan niya sa rehas ng selda habang nakikinood sa maliit na TV na pagmamay-ari ng nagbabantay sa kanilang pulis. Tanaw rin ito ni Thea mula sa kinauupuan niya.



"Kahit iurong sa susunod na taon 'yang musical, musical na 'yan, tapos na bago ka pa makalaya. Sa lahat ng ilegal sa bansa, bakit kasi eunasia pa ang ginawa mo?"



"Euthanasia raw 'yon, mare."



"Oo na."



"'Wag na nga kayong maingay."



"Isang taon na lang, pero mahaba pa rin ang panahong 'yun na gugugulin mo rito, Mercado."



What the inmates said struck Thea's heart. Alam niya na ang mga 'yun, kaya't sa tuwing pinaaalalahanan siya ay hindi niya maiwasang maluha agad.



"You will have quite a long time to change as the court sentence you... to 5 years in prison."



"Your Honor! My client did that for her dying niece! And she admitted to her crimes! Please reconsider the 5 years imprisonment and reduce the sentence!"



"The decision's final!"



- - -



See You Tomorrow, Yuki (EDITING)Where stories live. Discover now