Tuwa'y Lait

899 7 3
                                    

1: Tuwa'y Lait 

Sa muling pagbubukas ng bagong semestre at sa pagbabalik sa akin (Naks! Oo, akin na siya.) ni Carmen, napag-pasyahan kong iwanan ang kursong itinarak ng mga magulang sa lalamunan ko. 

Kumuha ako ng dyornalismo, ang kaparehong kursong pinag-aaralan din ngayon ni Kenneth (Blue ranger - este, kulay asul na bampira). 

At kahit tatlong taon ang tanda ko sa kanya, ayon sa iilang units na lamang niya sa'kin, upper classman ko siya at ako'y junior niya. At ang suplado ng emoterong aswang a! Talong-talo pa yata pati bida sa 'Tuwa'y Lait' na yun. Hindi yung pelikulang pinagbibidahan ng emo'ng mas madalas mag-flutter ng eyelashes kesa magbigay ng linya, kun 'di yung play na sumalubong sa aming mga bagong salta dito sa Dawson Polytech. 

Halatang kabado ang mga estyudante ng Arts department habang isinasagawa ang naturang play na tungkol sana sa irony ng 'tuwa' o happiness na agad-agarang napapalitan ng isang mapait na pangyayari. Subalit sa dami ng bloopers, imbes na makabuluhanang baliktaktakan, ay masigabong hatawan ng panlalait at panga-ngantyaw ang sumalo sa naturang palabas. 

Simple lang ang back story ng play. 

May isang magiting na nilalang na tatawagin nating 'Nilalang'. Siya ay mahirap gaya ng nakararami na sumasabit lang sa jeep. Isang araw sinwerte siya ng sinwerte hangga't sa makasalubong nito ang isang makinis na babae. Na-in love agad ang torpe at sinuyo ang babae. 

Subalit galit sa mayaman ang babae na tatawagin natin sa pangalang 'Babae' kaya't di niya sinagot si Nilalang. 

Malas ni Nilalang. Kung kailan guminhawa ang buhay saka naman nawala ang kwalipikasyong maninigurado sana sa buo at masayang buhay sa piling ng minamahal. 

Marami ang natawa sa plot ng kwento, lalo na nung nahuhulog pa sa jeep si Nilalang, nung nabangga siya sa poste ng Meralco kaka-titig kay Babae. May mga scenes na gasgas na't di na kayang patugtugin ng lumang Sony player, gaya na lamang ng pagpalo ng among intsik ni Nilalang ng nilukot na dyaryo sa batok nito. 

Madalas magkulong at umiyak ng mag-isa si Nilalang sa tuwing nasasabihan siya ng pango, anak ng kadiliman, at mukang pwet ng kabayo. 

"WAA! IIIIIII-MOH!" sigaw at pilantik ng laway ng lalaking naka-upo sa harapan namin. Tawa lang sila ng tawa kahit na noong binubugbog ni Babae ang pobre. 

Pero kaming dalawa ng katabi kong si Kenneth, poker face lang. Nahahawa na rin yata ako sa pag-uugali nitong si Kenneth. Hindi ko man kayang aminin, pero marahil ay nami... nami-mi... 

HINDEH! HINDI KO SILA KAILANGAN! Hindi ko kailangan dito si Kiko MAN! 

Sa huli ay namatay ng mag-isa si Nilalang. Nakapangasawa ng ubod ng pangit at ubod ng dungis si Babae. At doon na nagtapos ang play, kasabay ng hindi na marinig na mga huling katagang binabasa ng Narrator tungkol sa swerte...at sa 'irony' na idudulot nito. 

Wala ng tumatawa pagka-akyat ng Dean sa entablado. Umayos ang lahat ng upo ng pukpukin nito gamit ang pamaypay ang mikropono. 

Kasabay ng pag-buka niya ng bibig, lumipad ng muli ang isip ko. 

Swerte. Nasabihan na 'ko niyan dati. 

Noong muntik na 'kong lapain ng sinisinta ko ngayon, si Carmen. At si Manong, ang ama ni Carmen na nagsakripisyo ng buhay upang sugpuin ang ugat ng pugad ng mga aswang dito sa Maynila, ang nagsabing swerte raw ako. 

Oo swerte ako.  

Nasa akin ng lahat sa pagkakataong ito. Hindi na nagalit ang tatay ko sa naging desisyon ko. Sawa na rin ito. Swerte daw ako sabi ng pinsan kong ginawaran niya noon ng upper cut dahil nagloko. Tinawagan pa nga ako mula Chicago. 

Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon