6
Rakrakan
“Nahimasmasan kami sa kalasingan ng tumawag yung syota ni Kenneth. Sabi binugbog ka raw kaya ka sinugod sa ospital,” patutsada ni Kiko Man.
“Nakita namin siya sa Boarding kagabi...
Mukang tuliro tol. Parang anlaki ng kasalanan, alam mo yun? Guilty. Si kuya Toots, alam mo ba? Nagdala ng baril. Malay daw ba niya kung biglang gutumin si dakilang syota.
Pagkarating namin dito sa ospital halos walang tao sa E.R. Hindi raw kaya ni Carmen ang maghintay pa kaya lumundag siya sa taas ng building, hahanapin ka na raw niya. Um-oo naman kami.
Kaming dalawa nalang ni kuya Toots ang pumasok...”
....
“Tao po...Po ta-o!” kumatok ako dun sa parang tambayan ng mga duktor ba yun?
Eh wala namang tao kaya nag-dive nalang ako papasok. Taena. Andaming steypler! De bale makikihati lang ako sa suplay ng gubyerno. Hindi naman siguro magagalit si Panot, hehe.
“Tol, wag na yan...!” saway ni kuya Toots, di maka-steady sa ‘sang lugar. Ka-batak?
“Bat ba an-init ng ulo mo?”
“Utak ipis ka kase!” Inis nitong sinarado ang pintuan ng kulay puting tambayan. “Kita mong walang katao-tao dito---”
Naputol sa kamumura si kuya, sumadsad sa sahig ampanget na mukha. Na-trip yata.
“O. Utak ipis, kamo? Hehe. Atlist hindi utak ---“
Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko. Hindi sa wala akong maisip na mas matinding come-back. Hindi dahil dun ha? Kundi dahil sa nakahilatang seksing nurse sa sahig.
“Ano ba naman yahn Toots!!! Wala pa tayong limang minuto dito ah!”
Di naman kumibo ang gago. Di rin naman ako nakapansin agad, syemps, me nakahilata. Naman! Oo, tol. ‘Naman! Naman!’ talaga... kaso hebi flow eh. Me tagos sa palda.
Tsk!
Kaya medyo late na nung nakita ko yung kanina pa pala tinititigan ni kuya Toots at di yun yung naman-naman na sinasabi ko ha?
Yung ‘potong-tae naman?!’
“TAE!!!” gilalas ko, sabay hawak sa wayt table. “Anong---?”
Sabay pa kaming tumayo ni kuya Toots. Sabay din kaming umi-spot-i-spot sa paligid-ligid. Taena. Kaya pala walang tao kase pulos patay --- PATAY, tol! Nage-gets mo bah? Ha? Napalibutan kami ng mga bangkay ng mga patay na tao!
“Anu ba namang---?”
Tinakpan ni kuya Toots ang ilong niya. Para naman?
“P*---ina!” mura niya.
Ilang saglit din kaming panay mura. Ewan bah. Pag sa ganung sitwasyon dati naman, eskapo agad. Pero nung matapos natin yung rakrakan sa Boarding, ewan, na-immune bah?
“Eh di paniguradong me mga aswang nanaman” wala sa loob na usal ko.
Nagkatinginan kami ni kuya Toots. Hinatak ba naman ako palabas? Syemps gabi na nun noh. Madilim. Tsaka masukal yung garden sa labas ng ospital. Ewan ba kun baket tinawag pang garden ang p*ta.
BINABASA MO ANG
Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)
Paranormal"Akala ko ok na naman ang lahat. Akala ko mamumuhay na kami ng, bagamat hindi marangya, ay medyo maayos-ayos ni Carmen. Ngunit sa dinami-rami ng kamalas-kamalasang pwe-pwede kong pagdaanan, naging bahagi nanaman ako ng pagsugod (at pagrami!) ng bago...