12 – Break na Daw
Nagwawala parin si Kiko nang dalhin namin siya pababa ng NICU. Kumaway-kaway ito sa ere atsaka ngumawa na parang batang hindi nabilhan ng iPad sa kasgsagan ng pasko. Taena.
“Putong-panis Dre! Taenang botcha! AYOKO!!! AYOKO DRE!!!”
“Hwoist! Umayos ka nga! Taena ka. Baka puntahan nanaman tayo ng mga z’wang dito!”
“Taena mo Mael! Kapag naging pangit ako ikaw ang UUNAHIN ko, taena ka! Kapag kumunat ang gandang-Silka-fess ko IKAW ang UNANG titirahin ko, taena ka!”
Lumagapak ito sa sahig. Umiyak ito. Yung iyak na sa sobrang awa mo, gusto mo ng tapusin ang lahat ng pagdurusa niya – lahat-lahat.
“E kung...tanggalin natin?”
“Ha? ANO?”
“May konti naman akong alam sa first aid eh. Kaya ko nga tinalian ng sinturon panaglit yang sugat mo para hindi muna kumalat ang kung ano mang impeksyon dyan sa katawan mo.”
Suminok si Kiko. “H-hindi na ko magiging z-z’wang?”
“Hindi-hindi. Ibig kong sabihin, hindi muna agarang kakalat. Pero habang iniisip natin kung papano, mas lalong lumalakas ang ‘lason’ kumbaga, sa katawan mo. Kaya kailangan na nating tanggalin yan para hindi madamay ang iba pa.”
“Tanggalin? Anong ibig mong sabihin Mael? TAENA KA! ANONG TATANGGALIIiiigbbbrhhhbrrrhh---“
Pinasubsuban ng kapirasong kurtina ni Kenneth si Kiko. Balot ng yamot ang muka nito habang tila concentrated sa paghiwa sa balikat ni Kiko.
“HMP! HRRRRMMMMPPHHHHH! HHH-MMM-NNN-NYnNNNN!!!!”
Nagpumiglas si Kiko.
“Teka-teka-teka! Ansabi ko dre, may konti akong alam, hindi ko naman sinabing talagang alam ko!”
Umungol ng pailalim si Kenneth. Tila atat.
“Ang sabi mo kanina habang mas pinapatagal pa natin to, mas mabilis na kumakalat ang kung ano mang virus na idinura ng z’wang na yon sa kanya. Ngayon ka pa ba magdadalawang isip? Gusto mo bang pati si Kiko matulad sa...”
Tumingin ito sa paligid. Balot ng pira-pirasong z’wang ang bawat sulok.
“Sige dito tayo,” utos ko.
Pumasok kami sa Labor Room o paanakan. Itinumba ko ang isang kama bilang balandra sa pinto. Halos nguyain ni Kiko ang nakasalansan sa bunganga niya. Nagpupumiglas parin ito. Si Kenneth naman, tila sikretong nasisiyahan sa gagawin namin.
“Teka lang tol.” Tinanggal ko ang takip sa bunganga ni Kiko. “Tol. Wala na tayong choice. Ayaw ka naming maging z’wang. Pati si Kenneth---”
“Uhh...bale gusto lang talagang bumali ng buto --- pero, para din naman sa ikabubuti mo to, t-tol...”
“TOL! ANONG TOL-TOL-TOL MO?! TAE KA! INAMIN MO NA NGANG SABIK KA LANG NA BALIAN AKO! TAPOS ‘TOL’??? ALAM NYO BA KUNG ANONG KINUKUHA NYO SAKIN, MGA TAE KAYO?!!”
BINABASA MO ANG
Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)
Paranormal"Akala ko ok na naman ang lahat. Akala ko mamumuhay na kami ng, bagamat hindi marangya, ay medyo maayos-ayos ni Carmen. Ngunit sa dinami-rami ng kamalas-kamalasang pwe-pwede kong pagdaanan, naging bahagi nanaman ako ng pagsugod (at pagrami!) ng bago...