2
Takip Silim
(All Rights Reserved)
Mabilis ang tibok ng puso. Hirap sa paghinga. Kailan ba ang huling pagkakataong naranasan ko ang ganito? Ah, oo. Noong sinasalakay kami ng isang lipi ng mga aswang sa Boarding house namin na nakatirik sa dulo ng kalye Zamora.
Anoh ba nahman yan!
“Mael!!!” sigaw ni Carmen. Naramdaman ko nalang ang paninigas ng mga binti ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ako makahinga. Mas lalong sumikip ang dibdib ko.
Puno na ngayon ng pawis ang aking muka. Sa isang banda tila kay layo na ng mga nag-iinuman, ang sari-sari store – at si Carmen. Para akong inihulog sa loob ng malalim at madilim na balon.
Heto nanaman.
May kung anong bumabalot na tila baging sa buo kong katawan, matinik at galit. Wala akong nagawa kun di suminghap-singhap at tumingala na lamang sa langit habang tinatakpan ng isang malaking itim na tao ang bubong ng balon. Hindi ko mapigilan ang mapaluha. Nawala na ng tuluyan ang hangin. Wala na ‘kong makita. Wala na ‘kong maramdaman, bukod sa baging na gumapos sa’kin.
“Pot-na mo!!!”
Sinubukan kong kumalas pero walang nangyari. Naghintay ako. May lalabas kayang isang kagila-gilalas na lamang lupa, impakto o hayop na umakyat mula impyernong babati sa’kin? Susunugin ba ako ng buhay? Ba’t wala akong maalala? Ba’t wala akong makita? Ba’t wala akong maramdamang kahit ano? Sino? Ano? Ano? Ano ng nangyayari??!
“Dumidilim...”
Isang malalim at malagim na boses ang biglang nagsalita.
“Sino ka? HOY! Sino KA??!!”
Tumapak ito mula sa kadiliman, naka-kapote ng itim at ni hindi tumitingin sa akin. Naka-ngisi ito. Taliwas sa unang Sundong nakasalubong namin ni Carmen sa loob ng jeep, hindi ito katawang tao, kung ‘di nasa tunay niyang anyo. Maitim, makapal, ‘sing hawig ng balat ng puno, at labas na labas ang mga malalaki at matutulis na ngipin sa gilid ng itim na labi. Tumaas bigla ang tingin. Napako akong bigla sa ilalim ng ginintuang mga mata’ng nagpapatunay na ang kausap ko’y hindi tao. Wala siyang kaluluwa. Lumilibot siya sa mundo upang manguha nito...mga kaluluwa ng mga tao bago sila makatawid.
“A-a-a-Anong kailangan mo sa’kin? Hindi pa ko handang mamatay, hoy!”
Tumawa ito ng marahan. “ ‘ Sino ba ang handa para roon...?’ “ ani nito. “ ‘ Hindi ikaw... Hindi ang kaluluwa mo... Ako’y ispiritong Gabay. Hindi ako ang nakatalagang sumundo sa’yo. Narito ako para sa isang babala... ‘ “
“Tae ka! Naghahanap ka lang pala ng kausap, hinostage mo pa ko?!”
“ ‘ Hrmmm.’ “ Humigpit ang baging sa leeg ko.
“A-Ano nga’ng aten? Hrrgghh.”
“ ‘ Ayaw ko na. I changed my mind. ‘Di bale nalang...’ “
Ampotna! Pati espirito nag-eemo na rin? “E ‘di pakawalan mo na ko, tae ka!”
Nagdilim ang muka ng dati ng maitim. Humakbang pa siya papalapit. Sinubukan kong lumayo pero pirmi akong nakasabit sa baging. Wala akong magawa. May makapal na hamog na biglang bumalot sa kausap kong ka-tropa ni Kenneth. At bago tuluyang mawala, binugaan niya ako sa muka. Napapikit ako. At sa pag-pikit kong ‘yon, iba’t-ibang imahe ang bumulusok sa kaisipan.
Balot ito ng dugo.
Hindi ko alam kung alin sa kanila ang titignan ko, dahil sabay-sabay ang mga itong nangyayari. Habang may sumisigaw sa impit na sakit, may humihingi ng tulong, may umiiyak, may tumatakbong mabilis, may humahabol na tila anyong halimaw... At si Carmen... Si Carmen ‘yon.
BINABASA MO ANG
Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)
Мистика"Akala ko ok na naman ang lahat. Akala ko mamumuhay na kami ng, bagamat hindi marangya, ay medyo maayos-ayos ni Carmen. Ngunit sa dinami-rami ng kamalas-kamalasang pwe-pwede kong pagdaanan, naging bahagi nanaman ako ng pagsugod (at pagrami!) ng bago...