11 - Kainan
Minsan sa buhay, kailangan nating mamili. Magdesisyon. Kailangan nating maging matatag. Kailangang maging agresibo...
Dumulas si Kenneth sa bintana habang hinahabol si John Paul sa kisame. Nagpatihulog ang mga bitak-bitak na partes nito, kasama ang mga parihabang bumbilya.
“Putong-panis Dre!”
Itinulak ako ni Kiko palikod.
“Kiko? Akala ko ba sumama ka sa kanila?”
“Eh original group tayo dre, ano ba?! Kaya nyo ba yun? Kung wala ako dito para sa main battle? Yo need me here!”
“Ok. Ok. Kalma lang tol. Bumbilya.”
Umilag ito.
“Thank you dre.”
“You’re not welcome.”
Dumulas si John Paul palayo sa kisame. Dumamba ito sa harap namin. Tulod ng Unang Z’wang, mas mabalahibo ito. Mas malaki. Me red lips ang tae. Tagatak ng dugo. Iniluwa nito ang sanggol.
Wala ng bituka.
Sumigaw ito sa mga ilong namin. Mainit at mabaho. Tumalsik ang ilang bahagi ng red lips sa mga muka namin.
Napuno din ng dugo ang mga utak namin.
“PAAaaaaaaKKKk ---YuUUUuuu---DiiiINNN!!!!!!”
Naramdaman ko ang pagkahulog ng tila sinturon sa noo. Kung kanina ineenjoy ko ang pagpatay, ngayon...inaasam ko.
Naputol na nga ang sinturon ko sa ulo. Nabalot nalang ng dugo ang utak. Gusto ko lang luray-lurayin. Gusto ko lang pumatay. Wala na din akong pakialam.
Pinatamaan ko ang bako-bakong pader. Inihagis ni Kiko ang grass cutter sa muka ng tae, lumihis ito. Nakuhang dakamain ni Kenneth ang leeg nito. Habang patuloy na nagmumura, sinungaban din ito ni Kiko at gamit ang bakal na krus ---este, ang bakal na grass cutter, sinubukan nitong gawin ang gusto ko ring gawin. Humiwa sa laman ang patalim nito, pero sumadsad palayo matapos wisikin na parang langaw ng z’wang.
Naramdaman ko ang pagpisa ng sarili kong baga habang tila slow-mo’ng sumampal sa pader ang aming mga katawan. Humugot ako ng hininga mula sa tuhod. Swerteng pabagsak ang ulo ko sa sahig ng tumilapon ang grass cutter sa aming direksyon.
Napuno ng alikabok ang Neonatal Intensice Care Unit o NICU ng ospital. Sumamba kami sa lupa. Halos hindi namin maigalaw pati talukap ng mata.
Wala na ding oras.
Unti-unting lumalawak ang sinasakupang teritoryo ng gabi sa loob ng silid. Dumidilim. Wala ng oras. Kailangan na naming mailikas ang lahat bago sumapit ang dilim, kung hindi, masasayang lang ang lahat ng pagod at pagpapakamatay namin---papaligiran ng mga z’wang ang natitirang ligtas na lugar dito sa Sanitarium. Mapapasok nila ang Warehouse na pinagkukublihan namin.
Hindi ko mapapayagan yon.
Hinila ko ang natitirang hangin mula sa tuhod. Gumapang ang mainit na likido mula sa talampakan, palayo. Tila pamilyar sa pakiramdam. Ito nanaman marahil ang likidong inaasam na lumayo noong mga panahong pinagtanggol namin ang Boarding mula sa unang lipi ng mga aswang --- dugo.
BINABASA MO ANG
Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)
Fantastique"Akala ko ok na naman ang lahat. Akala ko mamumuhay na kami ng, bagamat hindi marangya, ay medyo maayos-ayos ni Carmen. Ngunit sa dinami-rami ng kamalas-kamalasang pwe-pwede kong pagdaanan, naging bahagi nanaman ako ng pagsugod (at pagrami!) ng bago...