3
A Total Eclipse of the Pwet
Kumuha ako ng beer in can sa ref bago umakyat sa natutulog na sina Kiko at Kuya Toots. May konting bula pang nagmumula sa nguso ng una. Taena. Ni wala man lang tumulong sa pag-aayos ng Pent. Matapos ang inuman, parehong nakatambak sa isang korner ang dalawa kong kaibigan. Si Kuya Toots, nagalsa-balutan na ng makatapos sa wakas mula sa school of Engineering. Ilang taon matapos ang mga kaganapang isinasalaysal ko ngayon sa inyo, napilitan ang gobyerno ng Pilipinas na kumpunihin ang mga kalsadang halatang na-budget-cut. Si Kiko Man, o Francisco Guillermo III sa tunay na buhay, ay nagbabalak na tumuloy-tuloy sa abogasya.
Haneeep.
Sampung taon matapos ang mga kaganapang ito, nagpatutuloy-tuloy lang balaking iyon.
Naisipan ko na ring ilabas na ang mga kalat para hindi ako nagmamadali kinabukasan sa pagpasok sa skwelahan. Maraming taon din ang nasayang sakin. Kaya mula ngayon, mas pinag-iigihan ko na ang pagsamsam sa bawat minutong dumarating. Nang ma-i-spot-an ko ang isang lalaking nakasalampak sa ilalim ng poste ng Meralco. Nakakuyom ang parehong palad, sarado ang mga mata at tila nagngangalit. Ilang segundo akong nagbalak na tumakbo palayo.
Delikado. May kung anong kaiba sa lalaking nakita ko – o di naman kaya, hindi na rin ako ulit sanay makakita ng mga naka-batak.
“Boss, ok ka lang?”
Kapagkwan ay lumapit ako. Inaantay kong sagutin niya ko ng ‘Mukha ba kung okey, tanga?’ Pero di siya kumikibo.
Naroon pa ang mga nag-iinuman sa tindahan, wala paring balak umalis. Mas kumapal pa ngayon ang kumpol ng mga bangag. Walang may gustong magpa-awat. Walang may gustong maghanap-buhay. Mas madali nga naman ang iasa ang pamilya sa asawang paanakan na ay labandera pa ng masa. Mas madaling ayunan ang positive thinking – ika nga – na kahit ano mang hirap mo, may tsansa ka paring manalo ng lotto at gaganda in an instant ang buhay mo.
Sumipol sa akin ang dalawa sa mga bangag.
“MAEL! ‘Lika dito! Isama mo si Seksi!” kantyaw ng isa na nipples lang ang suot na damit.
Ang isa nama’y nakatunganga sa kawalan at maka-ilang beses ng nilalabasan at pinapasukan ng langaw sa bunganga. Ang iba ay tila may hepa sa paninilaw ng mga mata. Yung iba muta na tinubuan ng mata.
Tumanggi ako.
Kung matino ako, yun ang susunod na sasabihin ko. Pero mula nong lumipat si Carmen sa Boarding namen, nagpakahirap akong magpakatino. Hindi madali. Mahirap turuang maging santo ang lalamunang nasanay sumisid sa isang drum ng Tanduay.
Isang sulyap pa sa lalaking mukang nanganganak, at pinuntahan ko na ang kumpol ng mga bangag. Isang maruming baso ang nakatayo sa gitna ng gegewang-gewang na lamesita. Nakapangalumbaba naman ang nagbabantay ng sari-sari store habang nag-aabot ng boteng ni walan man lang limang pisong insurance. Isa sa mga kababalaghan sa Kalye Zamora ang pagkakaroon ng listahan ng mga utang na wala manlang listahan.
Umupo ako. Inabutan nila ko ng basong medyo malinis-linis at saka nagsimula na ang roleta ng bote.
“Tagal na nating di tumatambay ah? Balita ko hindi ka na mag-aabroad. Naunsyame ba dahil kay ganda?” tantya ng tagay-lord.Tinitignan kung nasa muka ko bang gustong pumatay o gusto lang talagang makipag-inuman.
“Desisyon ko yon,” sagot ko.
Muka siguro akong sabik sa alak ng mga sandaling iyon. Inakbayan pa niya ako atsaka aktong hahalikan ng ipahalik ko sakanya ang isa sa mga boteng nakatambak sa paanan namin. Nagkatawanan kami. Walang halong bangayan.
BINABASA MO ANG
Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)
Paranormal"Akala ko ok na naman ang lahat. Akala ko mamumuhay na kami ng, bagamat hindi marangya, ay medyo maayos-ayos ni Carmen. Ngunit sa dinami-rami ng kamalas-kamalasang pwe-pwede kong pagdaanan, naging bahagi nanaman ako ng pagsugod (at pagrami!) ng bago...