Kapag tulog ang araw, tulog din kaya ang Diyos?

123 3 2
                                    

                                                                                8

                                              Kapag tulog ang araw, tulog din kaya ang Diyos?

      Madalas kong itanong sa sarili ko ito: kapag tulog ang araw at binabalot ng kadiliman ang mundo, natutulog din kaya ang Diyos?

       Iyon kaya ang dahilan kung bakit halos lahat ng kriminalidad ay nagaganap sa mga liblib at madidilim na lugar, sa mga alanganing oras? Iyon din kaya ang dahilan kung bakit hindi ako makaalis sa pinagtataguang damuhan?

        Dahil sa mga oras na ito ay unti-unti ng kinukupkop ng dilim ang buong Sanitarium at kasabay ng pagsakop ng dilim ay ang pagbangon ng mga patay sa loob ng ospital.

     Sa mga oras na ito nilalapa na ng mga muling nagsipag-buhay na mga bangkay ang mga pasyente’t bisita, mga doktor at nurse, mga taong walang malay.

      Hindi ko tuloy mapigilang isipin na sa mga oras na ito mismo nga naka-break time ang Diyos.

     Parang drum na unti-unting napupuno ng tubig na ulan, pumapatak-patak ang bawat segundo; at bawat patak nito’y tila pwet ng elepanteng dumadagan sa dibdib ko.

Wala ng oras...

       Do or die, kumbaga. Kayat imbes na magsayang ng minuto sa mga damuhan, inihanda ko na ang kanang binti, ibinaon sa lupa ang mga daliri habang nakalapat sa aking mga palad, parang tigreng susugod. Kinakailangan kong bilisan. Kahit babad pa sa sakit ang buong katawan, kinakailangan kong sagipin ang batang babae.

        Nang makaalis ang isang grupo ng mga z’wang mula sa daraanan, lumundag ako palabas ng damuhan.

      Halos walang-ingay kong muling ikinubli ang sarili sa naiwang wheelchair na may nakayukong bangkay. Nakasayad sa sahig ang mga braso nito at budbod ng mga kagat ang kanyang  mga kamay mula siko hangang hinlalaki. Kung tattoo marahil ito ay masasabi ko pang ‘cool’, pero dahil tunay na dugo ang pulang tintang ginamit, naging botcha.

       Am’morbid ng botcha.   

     Sinilip kong muli ang hardin, iniikot ang paningin sa ilalim ng mga dilaw na bintana --- subalit walang bata.  Nakain na kaya siya? Naging z’wang da tiyanak version? Naknang botchang hilaw oo.

      Huminga ako ng malalim atsaka lumapit sa pinupuntiryang lugar, nagpatago-tago sa likod ng mga bangkay, nagdarasal sa Panginoon na sanay humikab siya para hindi bumangon ang mga ito. Hindi na oras para magalangan, kaya’t kahit alanganin parin sa konserbatibo kong paniniwala, hinikayat ko ng muli ang namanmanhid kong katawan tungo sa bangkay ng pinaslang kong babae kanina.

       Dumapa ako sa lupa. Nagkunwaring patay narin. May isang loner na z’wang ang sumulpot at sa napakagandang timing. Ilang dipa nalang ang layo mula sa bintana. Pinigil ko ang paghinga. Ang kaso nanikip agad ang dibdib ko dahil bugbog parin ito. Sinikap ko nalang na huwg gumalaw sa kinalalagyan. Tumabi ako sa bangkay ng babae, hindi na inalintana ang masangsang na amoy. Mga ilang araw din naman akong hindi muna makakakain ng langonisa.

     Yumuko ang z’wang. Nakasuot ito ng pang-executive na Armani. Armani ang kurbata, ang pabango, gel, sapatos, medyas at kuko ng gago. Ngayon, ultimo kulangot Armani na rin. Pero hindi ko magawang lubusang matuwa sa nangyari sakanya.

         Isipin mo, baka sakin nangyari yon, o sa mga kaibigan ko...o sa taong mahal ko.

      Suminghot-singhot ang Armaning z’wang sa hangin, dumapo ang tingin sa kinalalagyan ko. Lumamig ang kagabi pang tuyot na bituka ng bumulusok ang sleveless Armani at dinakma ang bangkay sa tabi ko.

Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon