Z'wangers: Ang Simula

174 3 0
                                    

                                           Z’wangers: Ang Simula

    Iba na ang laban.

   Nang huli kong ipikit ang aking mga mata matino pa naman ang kapaligiran. Puting-puti pa ang mga kisame’t pader ng ospital na pinagdalhan nila samin. Subalit ng gumising ako sa loob ng Sanitarium, nag-iba na…

“Kaya mo pa ba, Mael?” tanong ni Kenneth.

   Magkasangga naming pinangangalagaan ang barikada upang di mapasok ng mga zombi’ng aswang o Z’wang for short. Wala ni isa sa mga pasyente sa kabilang ward ang natirang buhay. Nataon namang may tatlo sa mga staff nurse ang pinalad na makasagip ng iba pang pasyente at mangiyak-ngiyak na itinakbo ang mga ito dito.

   Idiniin ko ang medyo bugbog pang balikat upang isara ang natatangi naming sanggalan laban sa mga Z’wangs. Tumango lang ako. Nakakapagod magsalita. Minabuti ko na ring gamitin lamang ang natitirang lakas para sa mga importanteng bagay. Upang hindi matakot ang mga tao, hindi rin  muna nagtransform si Kenneth.

“Naiwan pa si Mae sa O.R. kasama sila dok at yung buntis na mase-Cesarean dapat ngayon!” bulalas ng isang Nurse. Gumuhit sa magkabilang pisngi niya ang nag-run na mascara.

“Anong gagawin natin?” tanong ng isa, humakbang palapit sa pinto kahit na nanginginig pa rin sa takot. “Hindi natin sila pwedeng pabayaan!”

   Sinampal ng katabi ang nagpapaka-hero na narse.

“Gaga! Impakta ka! Kita mong nililibot na ng mga zombie tong buong ospital ta’s lalabas ka?! Utak-kulangot ka ba? Ha?!”

   Ang straight-to-the-point, in-your-face, na babaeng tila pinaglihi sa PMS ni Maria Makiling ay si Chenee. Syota ni Kenneth.

    Sa isang banda, bagay sila. Isang emo at isang hustler. Swak na swak eh, parang langis at kape.

“Kami nalang ang pupunta,” sabi sabay hawak sa kamay ng boypren.  Hinila na siya palabas matapos akong tapunan ng malalim at matalim na tingin.

“Ako na’ng bahala” sangayon ko.

   Sa mundong ito wala parin akong mas kinatatakutan kesa sa babae. Nakakatakot kaya sila. Hindi mo alam kung anghel de la gwardya ba o reincarnation ni Hitler na iniluwa ng underworld dahil hindi narin kinaya ng black angel ang ka-hustleran.

   Maigi kong isinara ang pinto, double lock atsaka itinulak pabalik ang hospital bed na itinumba namin para gawing barikada.

  Sa kabilang sulok naman ng kwarto, mariing tinatakpan ng isang ina ang mahinang pag-iyak ng kanyang tatlong taong gulang na anak. Idinobol check naman ng isa pang Nurse ang mga bintana, sumisilip sa maaaring pagdaan ng isa nanamang Z’---

“Z’wang!” singhap niya.

   Tinutop nito ang kanyang bibig atsaka dumapa kasama ng iba pa. Naging mas marahas ang paghinga nung bata habang mangilid-ngilid naman ang luha ng kanyang ina.

   Sa labas ng bintana dahan-dahang yumayabag ang Z’wang papalapit, tila narinig o naamoy nito ang makapal na kumpol ng tao kaya ito naakit. Bumakat sa dilaw na salamin ang duguang palad nito.

   Napatili ang bata.

   Tila tubong pailalim ang hininga ng isang Z’wang, tubong tuyot na tuyot at laging uhaw sa lamang tao. Bagamat alas kwatro pa lamang ng hapon at mataas pa ang sikat ng araw, malayang nakakalibot ang mga ito, basta ba hindi natatamaan ng direct sunlight.

   May bakas ng malalim na mga kagat ng mga naunang Z’wang na uminfect sakanya. Labas ang litid, kita buto.

  Pumatong ang kabilang kamay ng Z’wang sa salamin, tila nginangatngat nito ang salamin. Walang masyadong utak ang Z’wang.

Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon