Zombi Pinas

130 5 5
                                    

13 – Zombi Pinas

“Sakop na nila lahat...” paunang bati ni Lenard. Itinulak nito pataas ang salaming may border na kaunting bitak. “Hindi na namin sila napigilan. Kalahati ng Kalye Zamora, nadali rin. Ang boarding, punong barranggay at PNP Zamora nalang ang hindi napapasok.”

“Ayos talaga boarding natin. Aswang-proof, zombie-proof pa!,” sumingit si Kiko.

“Nagsurvive din yun nong panahon ng Hapon,” damay ko.

“Taena,” usal ni Kenneth.

“Ano ba kayo?”

“Zombie hunters,” sagot ni Kiko.

“Zombie slayers,”banat ko.

“Taena nyo,” usal ulit ni Kenneth.

“E ano ba'ng ginagawa ng gobyerno? Bakit napabayaang lumala ng ganito?” tanong ko.

“E ayun. Sino-SONA ang depensa ng P-DAP. Priority daw yun eh” sagot ni Lenard.

Sabay-sabay kaming napa-taena.

“In any case, kalat na kalat na masyado ang epidemya. Hindi na nila kayang pigilan pwera nalang kung ihi-Hiroshima ang buong Luzon. Ayon sa huling balita ko, mga Vizayas daw malinis pa pero hindi natin alam.

Ang Malaysia nag-issue ng state of emergency para hindi makapasok ang sakit na to sa kanilang bansa. Nagsimula na silang gumawa ng Great Wall of Sabbah...

Si Enrile (yung dinosaur) buhay na. Si President Revilla naman, nag-compose ng bagong 'Survival Song' para sa mga twenty million kataong botante niya. Taena. Ang gulo-gulo sa Pinas!

Pero wala paring aksyon ngayon.

May mga ilang militar ang dineploy matapos i-ambush mismo ang sasakyan ni Senator Enrile (yung anak). Pagkatapos, idinaan sa fire brigade lahat, ultimo musmos na pwede pang sagipin, idinamay na rin sa pagaakalang apektado tayong lahat dito sa Luzon. Pero wag kayo, ang presidential tribal clan, inilikas patungong Hawaiina, El Nido Beach Resort and Spa.”

“A... e, gago pala sila!” usal ni Kiko.

“Ngayon mo lang alam?” Nagpamasid-masid si Lenard sa paligid. “CCTV,” bulong niya. “Wala.”

“Pano ka ba nakarating dito? Atsaka sino-sinong nagbabantay sa Boarding? Si tita Baby?”

“Ay syangaps! Nagpamisyon pala sakin si tita Baby para kumuha ng mga gamot para sa mga kasambahay natin sa Boarding. Ito nga pala ang pinakamalaking balita sa lahat, kung dati halos magsi-alisan ang mga boardmates natin dahil sa nangyari noon na mga drugistang sumalakay satin, ngayon, nagsibalikan na ang mga botcha.”

“Pansin ko lang ha? Kung sakaling naging pelikula ito, mababatikos ang script writer sa pagrerecycle ng cast of characters,” singit ulit ni Kiko. “At buhay pa ko ha? Bentang-benta na to. Taena. Ako. Buhay.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon