5
Impeksyon
“Napatay mo ba?”
‘Sshhh!! Baka may kasama pa...’ pabulong na sumbat ng isa.
Sumilip ako sa halos bitak na palang salamin, pero wala akong masyadong maaninag. Isasara ko na sana ang bintana ng may makita akong batang babae na akay-akay ng namatay na z’wang sa ilalim ng kanyang kili-kili.
Hindi ito gumagalaw. Babad sa dugo ang buo nitong katawan kaya hindi ko masiguro kung tao pa ba ito o mangunguya na...
“Hik!” biglang hikbi ng pobreng bata. “Hik! Mm-mamaaa....Mamaaaahhh....!”
“PST! Bata! BATA!” halos pasigaw kong pagbulong sakanya.
Iniangat nito ang punong-puno ng galos niyang muka. Tantiya ko, mga pitong taong gulang ito. Nakasuot ng punit-punit na hospital gown ang z’wang na pinatay ko. Hanggang balikat ang buhok.
Korteng babae.
“Mama...” patuloy na iyak niya.
Tae.
“K-kuyah, si mama! Si mama ko po...!” Inuga-uga nito ang mabahong bangkay. “Mama ko po...”
“Diyan ka lang. Wag kang masydong maingay at pupuntahan kita,” bulong ko ulit sa ilalim ng bahagyang naka-angat na salamin.
“La-lalabas ka?” awat ng nanay na kasama namin. Mahigpit nitong hinawakan ang aking braso.
Dahil sa mga pangyayari, naging caretaker ako. At malamang ramdam din nila, na kailangan nila ko, dahil kumpol-kumpol ngayon ang bituka ko sa kaalamang kinakailangan kong sumagip ng mas maraming tao. Di gaya sa Boarding, walang tunnel, at di gaya noon, walang Carmen.
Umalis na rin ako bago pa magbagong isip ko, at bago pa may dumampot sa kawawang bata.
“Wag kayong magpapa-pasok. Kapag hindi ako nagsalita, wag niyong bubuksan ang pinto.”
Mabilis kong isinara ang pinto sa likuran ko.
Sa hallway, sa labas ng ward na pinagtataguan namin, kumpol-kumpol din ang mga lamang-loob at pool ng dugo. Kung piyesta, mabenta to sa mga carnabal. Problema lang lamang-loob ng tao ang pinagpye-pyestahan ng mga naglalakad na bangkay. Ebidensya ng kumalat na na impeksyon ang duguang hallway.
Mabilis kong isinilid ang sarili sa likod ng medicine cart ng may maaninag na aninong paparating. Paika-ika ito at marahas ang paghinga.
Hinigpitan ko ang hawak sa bitbit kong surgical scissors.
Nanlamig ang na-bandage kong sikmura. Mas umaapaw ngayon ang takot saking sistema. Mas makabuluhanan kung uunahan ko siya bago pa niya ko salakayin. Gusto kong gumalaw at magpumiglas mula sa takot na bumabalot sakin, pero nanlalamig parin ang bawat daliri ko , mapa-kamay o paa.
Di nagtagal, habang papalapit ang z’wang, naging mabigat at marahas narin ang sarili kong paghinga. Hindi ko na matagalan. Ilang segundo lang ng lumutang na ang nasabing halimaw, naramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko, at ang malakas na hila ng aking mga paa pabalik sa loob ng ward.
Nabalot ng pawis ang sarili kong mga palad. Naging madulas tuloy ang hawak kong surgical scissors. Bahagya kong sinilip ang paparating na kalaban mula sa pinagtataguan.
BINABASA MO ANG
Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)
Paranormal"Akala ko ok na naman ang lahat. Akala ko mamumuhay na kami ng, bagamat hindi marangya, ay medyo maayos-ayos ni Carmen. Ngunit sa dinami-rami ng kamalas-kamalasang pwe-pwede kong pagdaanan, naging bahagi nanaman ako ng pagsugod (at pagrami!) ng bago...