Tatay na si Kumag

90 2 4
                                    

10: Tatay na si Kumag

Nagblack-out ulit ang screen ng computer kasabay ng tila maliliit na dagang kumakaripas sa elektrik. 

Ilang beses kong kinurap ang mga mata para rindiin ang sarili. Anatagal kong inantay na gumana ulit ang letseng umiilaw na kahon. Pero hanggang ngayon, bagsak parin ang internet. 

Gusto kong isipin na pagdungaw ko sa bintana’y babalik ang dating sigla ng Kalye Zamora, na may mga tambay na magsusuntukan at magbabatuhan ng mga boteng kinakalawang. Gusto kong isipin na pagkatapos kong sipa-sipain ang PC eh maglilitawan ulit ang mga updates ko sa Facebook, pero hindi eh. 

GUSTO KONG MAG-DOTA. Taena. 

Walang Dota. 

Walang kuryente. 

Walang laman ang ref…

Tapos wala pang Dota! Tae. 

Pano ko mabubuhay na walang Dota…?!

Bukod sa walang Dota (letse-letse-letse) wala ding taong nagiinuman sa may kanto. Wala ding mga boarders. Walang mga maingay na mga naka-motor na akala mo asong ulol kung magpaharurot – yung tipong ansarap pasalubungan ng Granada? Oo yun. Wala nang mga yun dito ngayon. 

Wala na din ang Meralco. Pero walastik! May mga nakakarating paring bill sa kuryente!

Sa dinami-rami ng wala, ubod naman ng pagkarami-rami ng inaasam kong mawala – ang mga z’wang… 

Biglang nangati ang pagitan ng hinliliit ko sa paa. Kinamot ko. Sabay sipa sa CPU. Gumana ulit ang tae. Teka ---- asan naba ko? A, oo. Dun na tayo sa may mga pagulong-gulong na pugot na ulo…

Type ulit…

Sino’ng---

Si Kenneth. A, oo. Si Kenneth. Dumapi sa konkretong hagdan ng marinhin ang mga  kuko ni Kenneth. Sa kung papano nangyari yon ay ewan ko. Basta, nagdra-Dragon Balls siya.

Wag kang masyadong demanding sa recollection ko ng mga nangyari tol ah. Bukod sa walang laman ang bituka ko, wala pang Dota. Mantakin mo naman yon. Walang Dota. The end of the world talaga… Walang d--- Ok, seryoso tayo. 

Umabante kami sa tulong ni Kenneth. 

Hiniwa nito ang sinomang z’wang na sumalubong sa grupo mula sa itaas. Ako, si Rico Suarez, Kiko…sinayawan namin ang mga nagpatihulog na pugto na ulo. Nang mapansin kong dumidilat pa ang mga peste, sinubson ko ang kalyong tinubuuan na paa para durugin ang mga ito. 

Malambot ang bungo ng z’wang. Malambot at magaan. Isiniksik ko ang adidas at maiging tiniris ang mga nagsipaghulog na ulo ng mga z’wang.

Kumaripas kami ng takbo pataas ng hagdanan. Mabilis na pinatalsik ng emoterong bampira ang mga kalaban namin. Nagsipaghiyawan ang lahat ng mahalatang gumagalaw pa pala ang mga pugot na ulo. Tila lumublob sa asidong pabango, kumasa kami ng panlaban para matapos an gaming misyon. 

Tiniklop ko ang authentic grass cutter.

Habang tumatalsik ang dugo at laway ng z’wang sa mga haligi ng ospital, ansarap sa pakiramdam… Mas pinagbuti ko pa ang pagpaslang. Ilang wasiwas pa patalim, at dumapi sa muka ko ang nagtatagis na liwanag mula sa fluorescent bulb sa kisame. 

Nakarating na kami. 

“HANAPIN NYO!” utos ni Kiko Man. 

Dumapa ang mga nakatokang magbantay sa nurse namin. Hinila nila kami palayo, tungo sa direksyong itinuturo ni Sheilla. Lumabas ang isang kwadratikong mapa mula sa kili-kili ng isa. 

Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon