Kagat ng Dilim

161 2 3
                                    

                                                                7

                                                      Kagat ng Dilim

“Yung isang pasyenteng isinugod galing preso ang nagsabi samin na pwede mong lituhin ang aswang kung magaamoy patay ka din. Galing no?”

“Nasaan si Carmen?”

    Hindi ko gustong marinig kung lumiyab man ang buong Spratly islands para lumigaya na ang Ta-te at Tsina. Bakit biglang bumalik si Carmen? Bakit ngayon? Bakit kung kailan maari kong ituro ang lahat ng ito sakanya?

“Umalis nga eh. Hinanap ka nga eh. Pero tol baka...”

    Hindi ko na narinig pa ang ibang mga sinabi ni Kiko. Di bale nang mangamoy bangkay. Isinantabi ko muna ang takot, ang pangamba...mahanap ko lang siya.

“Mael...!!!”

      Pero dumating parin sila.

  Napatigil ako sa kalagitnaan ng pagtakbo. Isang grupo ng mga z’wang ang kasalukuyang dumurumog sa isang tao. Naka-squat ito sa sahig at pilit na tinatakpan ang sarili gamit ang mga kamay. Dinebate ko sa sarili kung tutulungan ko pa siya... at dahil kinakailangan ko pang pag-isipan yon – kung sasaklolo ba ko sa nangangailangan o hindi – dun ako mas kinilabutan. Hindi sa dami at kumpol-kumpol na mga z’wang, kung ‘di sa pawalang bisa ng natagpuang pagbabago.

    Nagbago ako dati dahil kay Carmen. Pakiramdam ko itinuro niya sakin ang liwanag sa pamamagitan ng dilim at ngayong wala siya sa tabi ko...kung kailan nawala siya sa tabi ko...

“Dre! ‘Nu ba? Anung tinutunganga mo diyan??”

   Nahimasmasan ako. Hindi pa man ay sumugod ng muli si Kiko sa kalaban. Wala ng oras para magpatumpik-tumpik pa. Isinukbit ko ang grass cutter atsaka hinila ang wheelchair. Nilabas ko itong muli nang may magkamaling sugurin kami. Initsa ni Kiko ang sakanya, matalim at matinis ang tunog ng bakal habang hinihiwa ang lamang loob ng mga aswang – o kung ano mn sila.

    Kung ano man sila, ayaw kong isipin na may kinalaman si Carmen sakanila. Hindi si Carmen! Si Kiko pwede pa!

   Muling gumuhit sa leeg ng isa ang sandata ni Kiko. Habang pinupugutan nito ang isa, isinaksak ko ang grass cutter sa dibdib ng isa pang sumubok na dambahin siya, nang may maramdaman akong malagkit sa’king leeg.

“hhhhHHHhhhaaarrrhhhrrr....” binugahan nito ng mainit na hangin ang mga balahibo ng leeg ko.

    Parang ahas na umakyat sa mga hibla ng buhok ko sa ulo ang isang malamig na tubig. Paglingon ko, isang ngumingising bangkay ang bumulaga sakin.

   Ang pangit pala talaga kapag tao kang ginawang aswang. Hindi naman tinubuan ng pakpak o naging tila balat ng baboy ramo ang kanilang mga kutis, binudbod lang ng mga lapa ng mga aswang --- ang itsura ng taong kinainan na ng aswang. Bakas ang dugo sa paligid ng ilong nito, tirik ang mata at sariwa pa’ng mga sugat sa leeg at dibdib. At dahil sa dibdib siya kinagatan, lumuwa ang isang rib, tila puting stick na matulis at patusok ang ngayo’y naka-kalawit sa ibaba ng kanyang baga.

    Mabilis lang ang mga pangyayari. Wala pang dalawang segundo ng akmang titikman ako ng gago. Binunot ko ang grass cutter atsaka isinangga sakanya. Pero matalas din pala ang pngil niya, halos bumaon sa balikat ko, kung di lang ako tinulungan ni Kiko. Dahil may kahabaan ang grass cutter na bitbit niya, isiniko nito ang dulo ng hawakan sa panga ng z’wang.

     Pinagpawisan pa ko lalo.

    Iisa lamang ang taong lumutang mula sa madugong ingkwentro --- ang taong pinaka-ayaw kong makita at hindi ine-expect na makita pa.

Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon