9
Buhay na Patay
Makapal na usok… Wala akong ibang Makita kun di makapal na usok.
Iniwan ko ang susi ng van sa loob ng kubo, kung saan sumisigaw parin ang Nanay dahil napagalaman nitong may kinakasama akong ‘di kilalang babae sa pent. Iwinagayway nito ang mahabang listahan ng utang na loob na kinakailangan kong akuin, ‘di umano, dahil isa akong walang kwentang inanak sa lupa, at wala ng iba pang pakinabang sa’kin pagkamatay ko sa kahibangang ipinipilit kong isabuhay kun di ang maging pataba sa lupa. Baka nga daw isuka ako ng lupa pagkahukay sa’kin.
Sumindi ako ng isang stick bago sinubukang suungin ang mga bitak-bitak na salamin. Hindi pa man ay sumampal sa muka ko ang magaspang na kamay ni Nanay.
Tae.
“Ano Ismael? Nagising ka na ba? Akala mo ba madali ang buhay, ha? Ni wala ka man lang sense of gratitude…! Ilang taon kitang pinag-aral, tapos gan’to ang iuuwi mo? Ha? Babae!??”
Bakit, lalaki ka ba? Babae ka rin naman a.
“Anong akala mo ha? Inutil ka! Akala mo madali ang buhay, akala mo kaya mo na, ha? E mas bobo ka pa sa bobong lumabas sa pwet ng manok! Gago ka!”
Pinili ko na lamang manahimik.
Nagpatuloy ang pag-ulan ng masasakit na salita mula kay Nanay habang unti-unting natakpan ng usok ang sarili kong paningin. Pinili ko lamang manatili. Hindi na rin naman mahalaga kung ano pang sasabihin sakin ng Nanay. Kung ano’t ano pa man, pare-parehas rin naman ang magiging resulta. Kung hindi man palpak, olats. Matibay yata ‘to. Manhid na manhid --- kung sa tumbok na tumbok, e manhid na manhid. Dito ako lumaki e. Sa ganito ako nabuhay ng maraming taon kaya wala na sa’kin ‘to.
“At yang karengkeng na babae mo, ano’ng mapapala mo sakanya? Ha?”
Nagdilim ang aking paningin. Tumagos sa makapal na usok ang sunod na mga salita ng Nanay.
“Aba! Akala na niya mabibigyan ko kayo ng pera habang buhay!? Ganon??? Swerte siya!!! Aka---“
Hindi ko napansing nadampot na pala ng kanang kamay ang isa sa mga porselanang anghel dela guardia na paboritong palamuti ng Nanay sa bahay. Nagkabasag-basag ito.
Mistulang nabuhusan ng malamig na tubig si Nanay. Natameme ito. Panandaliang hindi makapagsalita at makakibo. Natulala rin ako. Hindi rin ako makapagsalita. Wala ni isa sa amin ang naniniwalang kaya ko palang paglabanan ang bagsik Peruja --- este ni Nanay.
Nanlisik ang mga mata nito. Inulan ako ng sampal bago pinagtutulak palabas ng kubo.
Iyon na ang huling bisita ko sa amin… Ngayon, inaalala ko kung hanggang probinsya ba’y nasakop na rin ng mga z’wang, at ano’ng panama ng kubong yari sa sawali kung nagkataon?
Ni minsan hindi ako napatawad ng Nanay dahil dito. Hindi ko kasi tinupad ang mga pinangrap niya noon para sakanya. Sa pageemote, nagawa ko naring tanungin kung ni minsan ba’y sinubukan akong tignan ni Nanay --- sulyapin man lang at subukang kilalanin. Hindi yung sa kung ano’ng gusto niyang makita sa akin, kun di kung anong meron ako.
At meron akong duguang grass cutter.
Fusciang pinta palang niya.
“M’el, nagugutom ako,” himutok ni Kiko Man habang kinukuskos ang turnilyo sa kahoy. “Mamamatay ako sa gutom… Taenang. Tsk! Kahit lugaw na ipis man lang. Tsk!”
Sinipa pa nito ang isang sako ng fertilizer para makumpleto ang get-up niya.
Tila punyal na pumukol sa kokote ni Kiko ang mga tingin ng mga kasama namin. Maigihan ang naging pagkatay. Kung hindi lang siguro dugyutin itong si Kiko baka nailay na namin siya kanina pa sa diyos ng meryenda.
BINABASA MO ANG
Kalye Zamora (Carmen Room 438 book II)
Paranormal"Akala ko ok na naman ang lahat. Akala ko mamumuhay na kami ng, bagamat hindi marangya, ay medyo maayos-ayos ni Carmen. Ngunit sa dinami-rami ng kamalas-kamalasang pwe-pwede kong pagdaanan, naging bahagi nanaman ako ng pagsugod (at pagrami!) ng bago...