LARGABISTA : CHAPTER 31

54 6 0
                                    

ANG MADILIM NA KAHAPON

Patuloy na naglalandas ang masaganang luha ni James sa kanyang mga mata.

"James, Anak. Kinakailangan mong tibayan ang iyong kalooban. Ano pa man ang naging madlim na kinahinatnan ng nakaraan, alalahanin mo na sa bawat maitim na ulap, sa paghakbang ng ating mga paa sa gitna ng karimlan, naghihintay at nagkukubli sa likod nito ang isang liwanag. Hindi nagtatapos ang hamon sa atin ng ating buhay. Darating ang isang mapaminsalang unos, ngunit ito'y natatapos din at sisikat ang maliwanag na bukas."

Inilahad ni Zandrino ang kanyang kanang palad sa harapan ni James, at ito'y mahigpit na hinawakan ng kanyang anak. Nakasisiguro siya na hinding hindi susuko ang Anak na mapagtatagumpayan ang kanyang magiging laban.

Tinungo nila ang mga kabahayan ng mga lahing Arkan, at nagpatuloy ang kasaysayan ng nakaraan--ang paglaho ng kanilang tinubuang lupa na sinalakay ng masasamang Nilalang.

Nasaksihan ni James ang lahat. Kitatang-kita ng kanyang mga mata ang dalawang sugo ng dilim na sina Merluza at Pandora, kung paano nila binuhasan ng gayuma ang malinis na batis na pinagkukuhanan ng tubig ng mga tribong Arkan.

Lumipas ang buong araw, sumapit ang bagong umaga. At sa paggising ng mga lahing Arkan, tuluyang naglaho ang kanilang mga Mahikang tinataglay. Hinigop ni Merluza ang mga kapangyarihan ng bawat Mahikero, kung kaya't lalo pang lumakas ang itim na kapangyarihang tinataglay ng Mangkukulam.

Sinamantala ni Merluza ang pagkakataon. Nagpakawala ito ng mga makamandag na mga ahas at alakdan. Naglipana ang mga balang, palaka, at iba't ibang insekto na nagtataglay ng mga nakalalasong likido. Sinalakay ng mga hayop na ito ang bawat nabubuhay sa tribong Arkan. Walang natirang buhay sa mga oras na iyon. Nagmistulang lawa ng sariwang dugo ang lupain ng tribong Arkan.

Hindi mapakali si Pandora na naghihintay sa pusod ng kagubatan. Ipinaubaya na lamang ng Mambabarang ang lahat kay Merluza--ang malupit na paghihiganti nito sa mga lahing Arkan.

Ilang saglit ang lumipas, nasilayan na niya ang kaibigang si Merluza na nagdiriwang sa kanyang tagumpay...nagbubunyi.

"Madame Merluza, A-ano nang nangyari?!"

"Patay na ang lahat ng Mahikero't Mahikera ng tribong Arkan!"

"Ngunit, Madame Merluza. Paano ang ating pinag-usapan?"

"Huwag kang mabahala, Pandora. Wala sina Alejandro at Miranda sa kanilang tahanan.  Magigimbal na lamang sila sa kanilang pagdating...wala na ang kanilang mga kalahi!"

Madame Merluza, A-ano na ang susunod mong hakbang?"

"Ikaw ng bahala sa mga kaibigan mo. Wala na silang kakayahan na lumaban, mas malakas nang higit ang ating tinataglay na kapangyarihan ngayon, kaya't magagawa mo na ang ano mang naisin mo sa kanila. Kayang-kaya mo nang makuha ang pag-ibig ni Alejandro."

"Madame Merluza, pag-iisipan ko ang iyong mga sinabi."

"Sa ngayon, Pandora. Sasalakayin natin ang matandang Ermitanyo na promoprotekta sa Largabista. Kinakailangan mawala sa aking landas ang mahiwagang bagay na iyon at maibalik sa pinagmulan nito upang hindi na magsilbing balakid sa aking mga hangarin."

Napalunok si Pandora, hindi makapaniwala sa sukdulang kasamaan ng kaibigan niyang Mangkukulam.

"Sa pagsapit ng takipsilim, magtutungo tayo sa gulod kung saan naninirahan ang matandang Ermitanyo. Batid ko na may kapangyarihan itong tinataglay, ngunit ako ang magtatagumpay! Kinakailangan na nating kumilos sa lalong madaling panahon, bago pa niya malaman ang masaklap na nangyari sa kanyang tinubuan lugar--ang Arkan."

Sumapit ang takipsilim...

Sumapit ang takipsilim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
LARGABISTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon