LARGABISTA : CHAPTER 44

33 6 0
                                    

SINA JAMES AT ALARIC SA ISLA PUTING BUHANGIN.

Umihip ang malakas na hangin at inuluwal nito ang maliwanag na Portal sa malawak na dalampasigan ng Isla Puting Buhangin. Kasabay nito ang pagsulpot nina James at Alaric na lumabas sa mahiwagang lagusan.

Tuluyang naglaho ang Portal sa likod ng magkapatid, at nanumbalik sa normal ang paligid ng dalampasigan.

Lumikha ng munting liwanag si James buhat sa kanyang kanang palad upang mabanaag ang kanilang kinalalagyan. Bukod sa liwanag ng bilog na buwan; ito ang mga magsisilbing saksing tanglaw sa susunod na kaganapan.

"Kuya James, gamit pa rin natin ang ating batang katawan."

"Maybe, nais ng Largabista na makakilos tayo nang mabilis at maliksi upang agad nating masukol at mapatay ang mga kampon ng kadiliman."

"Tama ka, Kuya James. Sandali.." Sabay may dinukot na bagay si Alaric na nakasukbit sa kanyang baywang.

"Ano iyan, Alaric?"

"Kuya James, magagamit natin ito; loaded ito ng silver bullets." Sabay abot ni Alaric sa isa sa tangan niyang Smith & Wesson five-shot .38 revolver.

"Thanks, Bro. Ang galing mo talaga!"

"Well, sa ilang taon ko ring pinag-aralan ang mga ganitong klaseng kaso; katulad rin ito ng mga werewolves at mga mythical creatures-- tinatablan sila ng ganitong bala."

"Hindi ba't pinabindusyanan mo ang mga bala nito sa simbahan?"

"Yup, kay Father Peter Romano: isang mahusay sa exorcism."

"Wala ng kawala ang Halimaw na si Sinistro! Nararamdaman ko; ito na ang kanyang katapusan!" Sabay sulyap ni James sa  naghaharing bilog na buwan.

"Saan tayo mag-uumpisa, Kuya James?"

"Hahanapin natin ang cave. We need to rescue those kids."

"Ano na kayang nangyari sa kanila?"

"Nararamdaman ko; they are safe and sound. Ang yungib ang ideal place kung saan sila safe."

"What do you mean, Kuya James?"

"Dahil ang kuwebang iyon ang naging libingan ni Sinistro sa mahabang panahon. May bahagi sa malalim na kuweba kung saan matatagpuan ang isang lawa ng kumunoy at dito inilibing nina Remus at Ellias na ating mga ninuno ang isang batong kristal na nagsilbing bilangguan noon ni Sinistro! "

"And his twin manages to summoned that beast?"

"Exactly, Alaric. Takot ang Nilalang na si Sinistro sa ilalim ng kuweba sa kumunoy na kanyang libingan."

"At dito magtatapos ang iyong laban, Kuya James? Ibabalik mo si Sinistro sa kanyang libingan?"

"Yup, handa ka na, Alaric! Hanapin na natin ang kuweba!"

"I'm ready, Kuya James! Patayin na rin natin ang Nilalang!"

Agad na silang kumilos, at pinakiramdaman ang tahimik na paligid.

Nakahanda ang tangan nilang revolver sa nagbabadyang panganib.

Pinalutang ni James sa hangin ang nilikhang bilog na liwanag sa kanyang palad, at kusa itong sumusunod sa kanilang tinatahak na daan.

Mabilis nilang tinahak ang mga bahay kubo na naging piping saksi sa hagupit ng Halimaw at patuloy nilang hahanapin ang mga kasagutan.

Nauuna si James, nakatutok ang tangan niyang revolver sa kanyang dinaraanan. Nakadistanya naman si Alaric, at sinisipat ang kanilang likuran.

Sa paglingon ni Alaric, mabilis siyang dinamba ni Sinistro at siya'y nabuwal.

"Holy shit!" ang tanging nasambit.

LARGABISTA Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon